Mga Tulong sa Pag-aaral
Magpatawad


Magpatawad

Tulad ng pagkakagamit sa mga banal na kasulatan, ang magpatawad ay nangangahulugan ng isa sa dalawang bagay: (1) Kapag pinatatawad na ng Diyos ang mga tao, inililiban niya o isinasaisantabi ang kaukulang parusa para sa kasalanan. Sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang kapatawaran ng mga kasalanan ay para sa lahat na nagsisi, maliban sa yaong may mga kasalanan ng pagpaslang o ng walang kapatawarang kasalanan laban sa Espiritu Santo. (2) Habang pinatatawad ng mga tao ang isa’t isa, pinakikitunguhan nila ang isa’t isa nang may pag-ibig na katulad ng kay Cristo at walang mga sama ng loob sa mga yaong nagkasala sa kanila (Mat. 5:43–45; 6:12–15; Lu. 17:3–4; 1 Ne. 7:19–21).