Mga Tulong sa Pag-aaral
Bagong Jerusalem


Bagong Jerusalem

Ang lugar kung saan ang mga Banal ay magtitipun-tipon at si Cristo mismo ang maghahari kasama nila sa panahon ng Milenyo. Ang Sion (ang Bagong Jerusalem) ay itatayo sa lupalop ng Amerika, at ang mundo ay muling babaguhin at tatanggapin ang kanyang malaparaisong kaluwalhatian (S ng P 1:10). Tumutukoy rin ito sa isang banal na lunsod na bababa mula sa langit sa simula ng Milenyo.