Mga Tulong sa Pag-aaral
Daniel


Daniel

Ang pangunahing tauhan sa aklat ni Daniel sa Lumang Tipan; isang propeta ng Diyos at isang lalaking may dakilang pananampalataya.

Walang nalalaman tungkol sa kanyang mga magulang, bagaman lumilitaw na mula siya sa maharlikang angkan (Dan. 1:3). Dinala siyang bihag sa Babilonia, kung saan niya tinanggap ang pangalang Belsasar (Dan. 1:6–7). Tinanggihan ni Daniel at tatlo pang bihag ang pagkain ng hari sa kadahilanang pangrelihiyon (Dan. 1:8–16).

Nakuha ni Daniel ang pagsang-ayon ni Nabucodonosor at Dario dahil sa makapangyarihan niyang pagpapaliwanag sa mga panaginip (Dan. 2;4). Binasa rin niya at ipinaliwanag ang sulat-kamay sa muog (Dan. 5). Nagbalak laban sa kanya ang kanyang mga kaaway, at itinapon siya sa yungib ng mga leon, subalit iniligtas ng Panginoon ang kanyang buhay (Dan. 6).

Ang aklat ni Daniel

Ang aklat ay may dalawang bahagi: ang mga kabanata 1–6 ay mga kuwento tungkol kay Daniel at sa tatlo niyang kasamahan; mga kabanata 7–12 ay mga mala-propetang pangitain na nakita ni Daniel. Itinuturo ng aklat ang kahalagahan ng pagiging tapat sa Diyos at ipinakikitang pinagpapala ng Panginoon ang matapat.

Isang malaking ambag ng aklat ang pagpapaliwanag sa panaginip ni Haring Nabucodonosor. Sa panaginip, inilalarawan ang kaharian ng Diyos sa mga huling araw bilang isang bato na natibag sa isang bundok. Ang bato ay lalaganap hanggang sa mapuno nito ang buong mundo (Dan. 2; Tingnan din sa D at T 65:2).