Mga Tulong sa Pag-aaral
Pagkasaserdoteng Aaron


Pagkasaserdoteng Aaron

Ang nakabababang pagkasaserdote (Heb. 7:11–12; D at T 107:13–14). Ang mga katungkulan dito ay obispo, saserdote, guro, at diyakono (D at T 84:30; 107:10, 14–15, 87–88). Noong unang panahon, sa ilalim ng mga batas ni Moises ay may matataas na saserdote, mga saserdote, at Levita. Ipinahayag ang Pagkasaserdoteng Aaron kay Moises sa dahilang naghimagsik ang mga sinaunang Israelita sa Diyos. Sila ay tumangging gawing banal at tanggapin ang Pagkasaserdoteng Melquisedec at ang mga ordenansa nito (D at T 84:23–25). Ang Pagkasaserdoteng Aaron ay may kinalaman sa mga temporal at panlabas na ordenansa ng batas at ng ebanghelyo (1 Cron. 23:27–32; D at T 84:26–27; 107:20). Hawak nito ang mga susi ng paglilingkod ng mga anghel, ng ebanghelyo ng pagsisisi, at ng pagbibinyag (D at T 13). Nanumbalik ang Pagkasaserdoteng Aaron sa mundo sa dispensasyong ito noong ika-15 ng Mayo, 1829. Iginawad ito ni Juan Bautista kina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa pampang ng Ilog Susquehanna, na malapit sa Harmony, Pennsylvania (D at T 13; JS—K 1:68–73).