Mga Tulong sa Pag-aaral
Jezabel


Jezabel

Isang masamang babae sa Lumang Tipan mula sa lupain ng Phoenicia. Asawa siya ni Acab (1 Hari 16:30–31), isang hari ng Israel na naghari samantalang si Elijah ang propeta.

Ang pagpapakasal ni Jezabel kay Acab, higit pa sa ibang tanging pangyayari, ang nagpabagsak sa hilagang kaharian ng Israel; pinasimulan ni Jezabel sa Israel ang pinakamasamang paraan ng pagsamba sa diyus-diyusan mula sa kanyang lupain kapalit ng pagsamba kay Jehova (1 Hari 18:13, 19).