Mga Tulong sa Pag-aaral
Salita ng Karunungan


Salita ng Karunungan

Isang batas ng kalusugan na ipinahayag ng Panginoon para sa pisikal at espirituwal na kapakinabangan ng mga Banal (D at T 89). Ito ay karaniwang tinutukoy na Salita ng Karunungan. Sa tuwina ay nagtuturo ang Panginoon sa kanyang mga tagasunod ng mga alituntuning pangkalusugan. Ipinahayag ng Panginoon kay Joseph Smith kung anong uri ng mga pagkain ang nararapat kainin at alin ang dapat iwasang kainin, lakip ang pangako ng mga pagpapalang temporal at espirituwal sa pagsunod sa Salita ng Karunungan.