Mga Tulong sa Pag-aaral
Sumpa at Tipan ng Pagkasaserdote


Sumpa at Tipan ng Pagkasaserdote

Ang sumpa ay isang patunay na totoo at tapat sa isang pangako. Ang tipan ay isang kapita-pitagang pangako sa pagitan ng dalawang pangkat. Ang Pagkasaserdoteng Aaron ay tinatanggap lamang sa pamamagitan ng tipan. Tinatanggap ang Pagkasaserdoteng Melquisedec sa pamamagitan ng hindi sinambit na sumpa at gayon din ng tipan. Kapag ang mga may hawak ng pagkasaserdote ay tapat at tumutupad sa kanilang mga tungkulin, sa tagubilin ng Diyos, kanya silang pinagpapala. Yaong mga matatapat hanggang sa huli at gumagawa ng lahat ng pinag-uutos niya ay makatatanggap ng lahat ng mayroon ang Ama (D at T 84:33–39).