Mga Tulong sa Pag-aaral
Enos, Anak ni Jacob


Enos, Anak ni Jacob

Isang propetang Nephita at tagapag-ingat ng talaan sa Aklat ni Mormon na nanalangin at nakatanggap ng kapatawaran ng kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya kay Cristo (Enos 1:1–8). Nakipagtipan ang Panginoon kay Enos na makararating ang Aklat ni Mormon sa mga Lamanita (Enos 1:15–17).

Ang aklat ni Enos

Isang aklat sa Aklat ni Mormon na nagsasaad ng panalangin ni Enos sa Panginoon para sa pansariling kapatawaran, para sa kanyang mga tao, at sa iba pa. Nangako ang Panginoon sa kanya na ang Aklat ni Mormon ay iingatan at makakamtan ng mga Lamanita sa darating na panahon. Bagaman ang aklat ay naglalaman lamang ng isang kabanata, ito ay nagtatala ng makapangyarihang kuwento ng isang taong hinanap ang kanyang Diyos sa panalangin, nabuhay nang masunurin sa mga utos ng Diyos, at nagalak bago siya mamatay sa kanyang kaalaman sa Manunubos