Mga Tulong sa Pag-aaral
Kamalig


Kamalig

Isang lugar kung saan ang isang obispo ay tumatanggap, nangangalaga, at namamahagi sa mga maralita ng mga inilaang alay ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang bawat kamalig ay maaaring maging malaki o maliit alinsunod sa hinihingi ng pagkakataon. Nagkakaloob ang matatapat na Banal ng mga talino, kasanayan, kagamitan, at mapagkikitaan sa obispo upang mapangalagaan ang mga maralita sa oras ng Pangangailangan. Samakatwid, maaaring ilagay sa isang kamalig ang isang talaan ng mga pantulong, salapi, pagkain, o iba pang mga kakailanganin. Ang obispo ang kinatawan ng kamalig at nagpapamahagi ng mga ari-arian at pagtulong alinsunod sa pangangailangan at sa patnubay ng Espiritu ng Panginoon (D at T 42:29–36; 82:14–19).