Mga Tulong sa Pag-aaral
Esther


Esther

Isang babaing may malaking pananampalataya at ang pangunahing tauhan sa aklat ni Esther.

Ang aklat ni Esther

Isang aklat sa Lumang Tipan na naglalaman ng kuwento ng katatagan ng loob ni Reyna Esther sa pagliligtas sa kanyang mga tao mula sa pagkalipol.

Nasasaad sa mga kabanata 1–2 kung paanong si Esther, isang babaing Judio at kupkop na anak ng isang lalaking Judio na nagngangalang Mardocheo, ay napiling reyna ng Persia dahil sa kanyang kagandahan. Ipinaliliwanag sa kabanata 3 na si Aman, punong tauhan sa hukuman ng hari, ay napoot kay Mardocheo at natamo ang pagpapatupad ng isang batas na patayin ang lahat ng taong Judio. Nasasaad sa mga kabanata 4–10 kung paanong si Esther, sa sarili niyang malaking kapahamakan, ay nagbunyag ng kanyang sariling nasyonalidad sa hari at natamo ang isang pagsaliwa sa batas na ipinatupad