Mga Tulong sa Pag-aaral
Hagai


Hagai

Isang propeta sa Lumang Tipan na nagpropesiya humigit-kumulang noong 520 B.C. sa Jerusalem, pagkatapos bumalik ang mga taong Judio mula sa kanilang pagkakatapon sa Babilonia (Ezra 5:1; 6:14). Nangusap siya hinggil sa muling pagtatayo ng templo ng Panginoon sa Jerusalem at kinagalitan ang mga tao dahil hindi pa ito natatapos. Isinulat din niya ang hinggil sa milenyal na templo at ang paghahari ng Tagapagligtas.

Ang aklat ni Hagai

Sa kabanata 1 pinagalitan ng Panginoon ang mga tao sa paninirahan sa kanilang mga bahay na gawa na habang ang templo ay nananatiling hindi pa nagagawa. Natatala sa kabanata 2 ang mga propesiya ni Hagai na magbibigay ng kapayapaan ang Panginoon sa kanyang templo