Mga Tulong sa Pag-aaral
Kaligtasan para sa mga Patay


Kaligtasan para sa mga Patay

Ang pagkakataon para sa kanila na mga namatay na hindi nakatanggap ng mga ordenansa ng kaligtasan ng ebanghelyo upang ang mga ordenansang ito ay isagawa para sa kanila sa mga templo ng karapat-dapat na buhay na mga kasapi ng Simbahan. Tinuturuan ng ebanghelyo ang mga patay sa daigdig ng mga espiritu at maaaring tanggapin ang mga ordenansang isinagawa para sa kanila sa buhay na ito.

Sinasaliksik at gumagawa ng kasaysayan ng mag-anak ang matatapat na kasapi ng Simbahan upang tiyakin ang mga pangalan at petsa ng kapanganakan ng mga ninuno upang ang mga ordenansa ng kaligtasan ay maisagawa para sa kanila.