Mga Tulong sa Pag-aaral
Omni


Omni

Isang Nephitang taga-ingat ng talaan sa Aklat ni Mormon na nagsulat noong 361 B.C. (Jar. 1:15; Omni 1:1–3).

Ang aklat ni Omni

Isang aklat na isinalin mula sa maliliit na lamina ni Nephi sa Aklat ni Mormon. Ang aklat ay may isang kabanata lamang, na naglalaman ng ulat ng mga digmaan ng mga Nephita at Lamanita. Isinulat lamang ni Omni ang unang tatlong mga talata ng aklat. Ipinasa naman ang mga lamina kay Amaron, Chemish, Abinadom, at sa huli kay Amaleki. Ibinigay naman ni Amaleki ang mga lamina kay Haring Benjamin, ang hari ng Zarahemla.