Mga Tulong sa Pag-aaral
Lamanita, Mga


Lamanita, Mga

Isang pangkat ng tao sa Aklat ni Mormon, karamihan sa kanila ay mga inapo ni Laman, na pinakamatandang anak ni Lehi. Kanilang inakala na ginawan sila nang masama ni Nephi at ng kanyang mga inapo (Mos. 10:11–17). Bunga nito, sila ay naghimagsik laban sa mga Nephita at kadalasan ay hindi tumatanggap ng mga turo ng ebanghelyo. Gayon pa man, nang malapit nang isilang si Jesucristo, tinanggap ng mga Lamanita ang ebanghelyo at naging mas mabubuti pa kaysa sa mga Nephita (Hel. 6:34–36). Dalawang daang taon matapos dalawin ni Cristo ang Amerika, ang mga Lamanita at Nephita ay kapwa naging masasama at nagsimulang makipagdigmaan sa bawat isa. Noong mga 400 A.D., lubusang nalipol ng mga Lamanita ang lahing Nephita.