Mga Tulong sa Pag-aaral
Sakramento


Sakramento

Sa mga Banal sa mga Huling Araw, tumutukoy ang sakramento sa ordenansa ng pakikibahagi ng tinapay at tubig bilang pag-alaala sa pagbabayad-sala ni Cristo. Ang pira-pirasong tinapay ay kumakatawan sa kanyang pinahirapang katawan; ang tubig ay kumakatawan sa dugong kanyang ibinuhos upang bayaran ang ating mga kasalanan (1 Cor. 11:23–25; D at T 27:2). Kapag tumanggap ng sakramento ang mga karapat-dapat na mga kasapi ng Simbahan, nangangako silang tataglayin sa kanilang sarili ang pangalan ni Cristo, aalalahanin siya sa tuwina, at susundin ang kanyang mga kautusan. Sa pamamagitan ng ordenansang ito, pinanunumbalik ng mga kasapi ng Simbahan ang kanilang mga tipan sa binyag.

Sa Huling Hapunan, ipinaliwanag ni Jesus ang ordenansa ng sakramento habang siya ay kumakain kasama ang kanyang Labindalawang Apostol (Mat. 26:17–28; Lu. 22:1–20).