Mga Tulong sa Pag-aaral
Santiago, Anak ni Zebedeo


Santiago, Anak ni Zebedeo

Isa sa Labindalawang Apostol na pinili ni Jesus sa panahon ng kanyang mortal na pagmiministeryo. Kapatid siya ni Juan. Isa siya sa tatlong Apostol na pinili upang makasama ni Jesus sa mga natatanging pagkakataon: sa pagpapabangon sa anak ni Jairo (Mar. 5:37), sa Pagbabagong-anyo (Mat. 17:1; Mar. 9:2; Lu. 9:28), at sa Getsemani (Mat. 26:37; Mar. 14:33). Kasama sina Pedro at Juan, pinanumbalik niya ang Pagkasaserdoteng Melquisedec sa mundo sa pamamagitan ng pag-oorden kay Joseph Smith (D at T 27:12; 128:20; JS—K 1:72).