Mga Tulong sa Pag-aaral
Tatlong Nephitang Disipulo


Tatlong Nephitang Disipulo

Tatlo sa mga piniling Nephitang disipulo na tinutukoy sa Aklat ni Mormon.

Ipinagkaloob ng Panginoon sa mga disipulong ito ang gayon ding pagpapala na ipinagkaloob sa Pinakamamahal na si Juan—na maaari silang manatili sa lupa upang makapagdala ng mga kaluluwa kay Cristo hanggang sa muling pagparito ng Panginoon. Sila ay nagbagong-kalagayan upang hindi sila makadama ng sakit at hindi mamamatay (3 Ne. 28).