Ang magkaroon ng sakit. Sa mga banal na kasulatan, ang katawang may karamdaman ay nagsisilbi kung minsan na isang sagisag nang kawalan ng espirituwal na lakas (Is. 1:4–7 ; 33:24 ).
Aking narinig ang iyong panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking pagagalingin ka, 2 Hari 20:1–5 (2 Cron. 32:24 ; Is. 38:1–5 ).
Naglibot si Jesus nagpapagaling ng lahat ng uri ng sakit, Mat. 4:23–24 (1 Ne. 11:31 ; Mos. 3:5–6 ).
Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga maysakit, Mat. 9:10–13 (Mar. 2:14–17 ; Lu. 5:27–32 ).
May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag niya ang mga elder, Sant. 5:14–15 .
Dadalhin ni Cristo ang mga hapdi at sakit ng kanyang mga tao, Alma 7:10–12 .
Pinagaling ni Jesus ang lahat ng may karamdaman sa mga Nephita, 3Â Ne. 26:15 .
Pakainin ang may karamdaman nang may pagmamahal, ng mga halamang gamot, at pagkaing madaling matunaw, D at T 42:43 (Alma 46:40 ).
Alalahanin sa lahat ng bagay ang may karamdaman at ang naghihirap, D at T 52:40 .
Ipatong ang iyong mga kamay sa mga may karamdaman, at sila ay gagaling, D at T 66:9 .