Paglilingkod Tingnan din sa Kapakanan; Pagmamahal Pagkalingang ibinibigay o gawaing isinagawa alang-alang sa Diyos at sa kapwa. Habang naglilingkod tayo sa kapwa, naglilingkod din tayo sa Diyos. Piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran, Jos. 24:15. Yamang inyong ginawa ito sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa, Mat. 25:35–45. Inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, na siya ninyong kainamang pagsamba, Rom. 12:1. Sa pamamagitan ng pag-ibig ay mangaglingkuran kayo, Gal. 5:13. Ang iyong mga araw ay iuukol sa paglilingkod sa iyong Diyos, 2 Ne. 2:3. Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos, Mos. 2:17. Sila na mga nag-aangkin ng lupang pangako ay dapat na maglingkod sa Diyos o malilipol, Eter 2:8–12. Yaong mga nahaharap sa paglilingkod sa Diyos ay dapat na maglingkod ng buo nilang puso, D at T 4:2. Nagbigay ang Panginoon ng mga kautusan na ang sangkatauhan ay nararapat na magmahal at maglingkod sa kanya, D at T 20:18–19. Sa pangalan ni Jesucristo paglilingkuran ninyo siya, D at T 59:5. Ako, ang Panginoon, ay nagagalak na parangalan yaong mga naglilingkod sa akin, D at T 76:5. Sambahin ang Diyos, sapagkat siya lamang ang iyong paglilingkuran, Moi. 1:15.