Mga Tulong sa Pag-aaral
Lot


Lot

Sa Lumang Tipan, ang anak ni Haran at pamangkin ni Abraham (Gen. 11:27, 31; Abr. 2:4). Namatay si Haran dahil sa taggutom sa Ur (Abr. 2:1). Nilisan ni Lot ang Ur na kasama nina Abraham at Sara at naglakbay kasama nila sa Canaan (Gen. 12:4–5). Pinili ni Lot na manirahan sa Sodoma. Ang Panginoon ay nagpadala ng mga sugo upang balaan si Lot na lumisan sa Sodoma bago ito wasakin ng Panginoon dahil sa kasamaan ng mga tao (Gen. 13:8–13; 19:1, 13, 15); gayon pa man, nilingon ng asawa ni Lot ang pagkawasak at siya ay naging isang haligi ng asin (Gen. 19:26). Ang Bagong Tipan ay naglalaman ng mga sanggunian tungkol kay Lot (Lu. 17:29; 2 Ped. 2:6–7). Ang kanyang buhay matapos siyang mahiwalay kay Abraham ay inilarawan sa Gen. 13, 14, at 19.