Mga Tulong sa Pag-aaral
Mosias, Mga Anak ni


Mosias, Mga Anak ni

Sa Aklat ni Mormon, ang apat na anak ni Haring Mosias na nagbalik-loob matapos magpakita ang isang anghel sa kanila at sinabihan silang magsisi. Ang kanilang mga pangalan ay Ammon, Aaron, Omner, at Himni (Mos. 27:34). Sila ay gumugol ng matagumpay na labing-apat na taong pangangaral ng ebanghelyo sa mga Lamanita. Ang ulat ng kanilang paglilingkod sa mga Lamanita ay ibinigay sa aklat ni Alma, sa mga kabanata 17 hanggang 26.