Alma 17
Mga Download
Buong Aklat (PDF)
Mga Footnote
Theme

Ang ulat ng mga anak na lalaki ni Mosias, na tumanggi sa kanilang mga karapatan sa kaharian dahil sa salita ng Diyos, at umahon sa lupain ng Nephi upang mangaral sa mga Lamanita; ang kanilang mga paghihirap at pagkakaligtas—Ayon sa talaan ni Alma.

Binubuo ng mga kabanata 17 hanggang 27 na pinagsama-sama.

Kabanata 17

Taglay ng mga anak na lalaki ni Mosias ang diwa ng propesiya at ng paghahayag—Sila ay humayo sa kani-kanilang mga landas upang ipahayag ang salita sa mga Lamanita—Si Ammon ay nagtungo sa lupain ng Ismael at naging tagapagsilbi ni Haring Lamoni—Iniligtas ni Ammon ang mga kawan ng hari at pinatay ang kanyang mga kaaway sa tubig ng Sebus. Talata 1–3, mga 77 B.C.; talata 4, mga 91–77 B.C.; at talata 5–39, mga 91 B.C.

1 Ngayon ito ay nangyari na, na habang si Alma ay naglalakbay mula sa lupain ng Gedeon patimog, palayo sa lupain ng Manti, masdan, sa panggigilalas niya, anakasalubong niya ang mga banak na lalaki ni Mosias na naglalakbay patungo sa lupain ng Zarahemla.

2 Ngayon, ang mga anak na ito ni Mosias ay kasama ni Alma sa panahong aunang nagpakita ang anghel sa kanya; kaya nga, si Alma ay labis na nagalak na makita ang kanyang mga kapatid; at ang nakaragdag pa sa kanyang kagalakan, sila ay kanya pa ring mga kapatid sa Panginoon; oo, at sila ay naging malakas sa kaalaman ng katotohanan; sapagkat sila’y mga lalaking may malinaw na pang-unawa at bsinaliksik nila nang masigasig ang mga banal na kasulatan upang malaman nila ang salita ng Diyos.

3 Subalit hindi lamang ito; itinuon nila ang kanilang sarili sa maraming panalangin, at apag-aayuno; kaya nga taglay nila ang diwa ng propesiya, at ang diwa ng paghahayag, at kapag sila ay bnagturo, sila ay nagtuturo nang may kapangyarihan at karapatan ng Diyos.

4 At sila ay nakapagturo na ng salita ng Diyos sa loob ng labing-apat na taon sa mga Lamanita, nakatamo ng malaking atagumpay sa bpagdadala sa marami sa kaalaman ng katotohanan; oo, sa kapangyarihan ng kanilang mga salita ay marami ang nadala sa harapan ng dambana ng Diyos, upang manawagan sa kanyang pangalan at cmagtapat ng kanilang mga kasalanan sa kanyang harapan.

5 Ngayon, ito ang mga pangyayaring naganap sa kanila sa kanilang mga paglalakbay, sapagkat sila ay maraming naging paghihirap; at sila’y labis na nagdusa, kapwa sa katawan at sa isipan, tulad ng gutom, uhaw at pagod, at gayon din sa labis na apaghihirap ng espiritu.

6 Ngayon, ito ang kanilang mga paglalakbay: Matapos na aiwanan ang kanilang ama, si Mosias, sa unang taon ng mga hukom; btinanggihan ang kahariang nais na igawad sa kanila ng kanilang ama, at ito rin ang kapasiyahan ng mga tao;

7 Gayon pa man, nilisan nila ang lupain ng Zarahemla, at dinala ang kanilang mga espada, at kanilang mga sibat, at kanilang mga busog, at kanilang mga palaso, at kanilang mga tirador; at ito ay ginawa nila upang matustusan nila ang kanilang sarili ng pagkain samantalang nasa ilang.

8 At sa gayon sila lumisan patungo sa ilang kasama ang kanilang bilang na pinili na umahon sa lupain ng Nephi, upang ipangaral ang salita ng Diyos sa mga Lamanita.

9 At ito ay nangyari na, na sila ay naglakbay ng maraming araw sa ilang, at sila ay labis na nag-ayuno at labis na ananalangin upang pagkalooban sila ng Panginoon ng bahagi ng kanyang Espiritu upang makasama nila, at manatili sa kanila, upang sila’y maging mga bkasangkapan sa mga kamay ng Diyos na madala, kung maaari, ang kanilang mga kapatid, ang mga Lamanita, sa kaalaman ng katotohanan, sa kaalaman ng kawalang-batayan ng mga ckaugalian ng kanilang mga ama, na hindi tama.

10 At ito ay nangyari na, na sila ay adinalaw ng Panginoon ng kanyang bEspiritu, at sinabi sa kanila: cMaaliw. At naaliw sila.

11 At sinabi rin sa kanila ng Panginoon: Humayo sa mga Lamanita, na inyong mga kapatid, at pagtibayin ang aking salita; gayon man, kayo ay maging amatiyaga sa mahabang pagtitiis at paghihirap, upang kayo ay makapagpakita sa kanila ng mabubuting halimbawa sa akin, at gagawin ko kayong kasangkapan sa aking mga kamay tungo sa kaligtasan ng maraming tao.

12 At ito ay nangyari na, na ang mga puso ng mga anak ni Mosias, at gayon din yaong mga kasama nila, ay nagkalakas-loob na humayo sa mga Lamanita upang ipahayag sa kanila ang salita ng Diyos.

13 At ito ay nangyari na, nang sila ay dumating sa mga hangganan ng lupain ng mga Lamanita, sila ay anaghiwa-hiwalay at nilisan ang isa’t isa, nagtitiwala sa Panginoon na muli silang magkikita-kita sa katapusan ng kanilang bpag-aani; sapagkat inaakala nilang dakila ang gawaing kanilang ginawa.

14 At tunay na dakila ito, sapagkat isinagawa nilang ipangaral ang salita ng Diyos sa isang amababangis at matitigas at malulupit na tao; mga taong nagagalak sa pagpaslang ng mga Nephita, at nilolooban at dinadambong sila; at ang kanilang mga puso ay nakalagak sa mga kayamanan, o sa ginto at pilak, at mahahalagang bato; gayon man hinangad nilang matamo ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng pagpaslang at pandarambong, upang hindi sila gumawa para sa mga yaon sa pamamagitan ng kanilang sariling mga kamay.

15 Sa gayon sila ay mga taong napakatatamad, ang marami sa kanila ay sumamba sa mga diyus-diyusan, at ang asumpa ng Diyos ay napasakanila dahil sa mga bkaugalian ng kanilang mga ama; sa kabila nito ang mga pangako ng Panginoon ay nakalaan sa kanila kung magsisisi.

16 Anupa’t ito ang adahilan kung bakit ginawa ng mga anak ni Mosias ang gawain, nagbabaka sakaling kanilang madala sila sa pagsisisi; nagbabaka sakaling kanilang madala sila sa kaalaman ng plano ng pagtubos.

17 Samakatwid naghiwa-hiwalay ang bawat isa sa kanila, at humayo sa kanila, bawat lalaki ay nag-iisa, alinsunod sa salita at kapangyarihan ng Diyos na ibinigay sa kanya.

18 Ngayon, sa pagiging pinuno ni Ammon sa kanila, o sa lalong maliwanag siya ay nangaral sa kanila, at kanyang nilisan sila, matapos silang abasbasan alinsunod sa kanilang kani-kanyang patutunguhan, matapos na maibahagi ang salita ng Diyos sa kanila, o naglingkod sa kanila bago ang kanyang paglisan; at sa gayon sila ay nagsimula sa kani-kanyang paglalakbay sa lahat ng dako ng lupain.

19 At si Ammon ay nagtungo sa lupain ng Ismael, ang lupaing tinawag alinsunod sa mga anak na lalaki ni aIsmael, na siya ring mga naging Lamanita.

20 At nang pasukin ni Ammon ang lupain ng Ismael, ang mga Lamanita ay dinakip siya at iginapos siya, tulad ng kanilang nakaugalian na igapos ang lahat ng Nephita na nahuhulog sa kanilang mga kamay, at dinadala sila sa harapan ng hari; at sa gayon ipinauubaya sa kasiyahan ng hari na patayin sila, o panatilihin sila sa pagkabihag, o itapon sila sa bilangguan, o itaboy sila palabas ng kanyang lupain, alinsunod sa kanyang kagustuhan at kasiyahan.

21 At sa gayon dinala si Ammon sa harapan ng hari na nasa lupain ng Ismael; at ang kanyang pangalan ay Lamoni; at siya ay isang inapo ni Ismael.

22 At tinanong ng hari si Ammon kung nais niyang manirahan sa lupain sa mga Lamanita, o sa kanyang mga tao.

23 At sinabi ni Ammon sa kanya: Oo, nais kong manirahan sa mga taong ito ng ilang panahon; oo, at marahil hanggang sa araw na ako ay mamatay.

24 At ito ay nangyari na, na si haring Lamoni ay labis na nasiyahan kay Ammon, at nag-utos na kalagan ang kanyang mga gapos; at kanyang ninais na pakasalan ni Ammon ang isa sa kanyang mga anak na babae upang maging asawa.

25 Subalit sinabi ni Ammon sa kanya: Hindi, kundi magiging tagapagsilbi ninyo ako. Anupa’t si Ammon ay naging tagapagsilbi ni haring Lamoni. At ito ay nangyari na, na siya ay isinama sa iba pang mga tagapagsilbi upang bantayan ang mga kawan ni Lamoni, alinsunod sa kinaugalian ng mga Lamanita.

26 At makalipas ang tatlong araw na nasa paglilingkod siya ng hari, habang siya ay kasama ng mga tagapagsilbing Lamanita na nagtungo kasama ang kanilang mga kawan sa lugar ng tubig, na tinatawag na tubig ng Sebus, at doon itinataboy ng lahat ng Lamanita ang kanilang mga kawan, upang makainom ang mga ito ng tubig—

27 Samakatwid, habang itinataboy ni Ammon at ng mga tagapagsilbi ng hari ang kanilang mga kawan sa lugar na ito ng tubig, masdan, ilang bilang ng mga Lamanita, na nagtungong kasama ang kanilang mga kawan upang painumin, ay tumindig at ikinalat ang mga kawan ni Ammon at ng mga tagapagsilbi ng hari, at kanilang ikinalat ang mga ito hanggang sa magpanakbuhan ang mga ito sa iba’t ibang dako.

28 Ngayon, ang mga tagapagsilbi ng hari ay nagsimulang bumulung-bulong, sinasabing: Ngayon tayo ay ipapapatay ng hari, tulad ng kanyang ginawa sa ating mga kapatid sapagkat ang kanilang mga kawan ay naikalat dahil sa kasamaan ng kalalakihang ito. At sila ay nagsimulang manangis nang labis, sinasabing: Masdan, ang ating mga kawan ay nakakalat na.

29 Ngayon, sila ay nagpanangisan dahil sa takot na patayin. Ngayon, nang makita ito ni Ammon ay tumaba ang kanyang puso sa kagalakan; sapagkat sinabi niya, ipakikita ko ang aking kapangyarihan sa kanila na kapwa ko mga tagapagsilbi, o ang kapangyarihan na nasa akin, sa pagpapanumbalik ng mga kawang ito sa hari, upang makamtan ko ang pagtitiwala ng mga kapwa ko tagapagsilbing ito, nang maakay ko silang maniwala sa aking mga salita.

30 At ngayon, ito ang mga nasasaisip ni Ammon, nang kanyang makita ang mga paghihirap ng mga yaong tinatawag niyang kanyang mga kapatid.

31 At ito ay nangyari na, na kanyang hinibok sila sa pamamagitan ng kanyang mga salita, sinasabing: Mga kapatid ko, magsipagsaya at halinang humayo tayo sa paghahanap sa mga kawan, at sama-samang titipunin natin ang mga ito at ibabalik ang mga ito sa lugar ng tubig; at sa gayon mapangangalagaan natin ang mga kawan para sa hari at hindi niya tayo ipapapatay.

32 At ito ay nangyari na, na sila ay humayo sa paghahanap sa mga kawan, at sinunod nila si Ammon, at nagmadali sila nang napakabilis at hinarang ang mga kawan ng hari, at sama-samang tinipong muli ang mga ito sa lugar ng tubig.

33 At yaong mga lalaki ay muling tumindig upang ikalat ang kanilang mga kawan; subalit sinabi ni Ammon sa kanyang mga kapatid: Palibutan ang mga kawan upang hindi magpanakbuhan ang mga ito; at ako ay hahayo at makikipaglaban ako sa mga lalaking ito na mga nagkakalat ng ating mga kawan.

34 Samakatwid, ginawa nila ang iniutos sa kanila ni Ammon, at siya ay humayo at tumindig upang makipaglaban sa mga yaong nakatindig sa malapit sa mga tubig ng Sebus; at ang kanilang bilang ay hindi kakaunti.

35 Kaya nga, hindi sila natakot kay Ammon, sapagkat inakala nila na isa sa kanilang mga tauhan ay makakayang patayin siya alinsunod sa kanilang kasiyahan, sapagkat hindi nila nalalaman na ang Panginoon ay nangako kay Mosias na aililigtas niya ang kanyang mga anak mula sa mga kamay nila; ni ang nalalaman nila ang ano mang bagay hinggil sa Panginoon; anupa’t sila ay nagagalak sa pagkawasak ng kanilang mga kapatid; at sa kadahilanang ito sila ay tumindig upang ikalat ang mga kawan ng hari.

36 Subalit si aAmmon ay tumindig at nagsimulang magpukol ng mga bato sa kanila sa pamamagitan ng kanyang tirador; oo, sa kahanga-hangang lakas ay kanyang tinirador sila; at sa gayon napatay niya ang bilang bilang nila kung kaya’t nagsimula silang manggilalas sa kanyang lakas; gayon pa man sila ay nagalit dahil sa pagkakapatay sa kanilang mga kapatid, at nagtika silang pabagsakin siya; kaya nga, nakikitang chindi nila siya matamaan ng kanilang mga bato, sumugod silang dala ang mga pambambo upang patayin siya.

37 Subalit masdan, bawat lalaking nagtaas ng kanyang pambambo upang hampasin si Ammon, ay pinuputol niya ang kanilang mga bisig sa pamamagitan ng kanyang espada; sapagkat napaglabanan niya ang kanilang mga hampas sa pamamagitan ng pagpuputol ng kanilang mga bisig ng talim ng kanyang espada, kung kaya’t nagsimula silang manggilalas, at nagsimulang magsitakas sa kanyang harapan; oo, ang kanilang bilang ay hindi kakaunti; at kanyang napatakbo sila sa pamamagitan ng lakas ng kanyang bisig.

38 Ngayon, anim sa kanila ang bumagsak sa pamamagitan ng tirador, subalit wala siyang pinatay maliban sa kanilang pinuno sa pamamagitan ng kanyang espada; at kasindami ng mga bisig na nagtaas laban sa kanya ay pinutol niya, at hindi ito kakaunti.

39 At nang kanyang maitaboy sila sa malayo, siya ay nagbalik at pinainom nila ang kanilang mga kawan at ibinalik ang mga ito sa pastulan ng hari, at pagkatapos ay nagtungo sa hari, dala-dala ang mga bisig na pinutol ng espada ni Ammon, ng yaong mga naghangad na patayin siya; at dinala ang mga ito sa hari bilang patotoo ng mga bagay na kanilang ginawa.