Alma 35
Mga Download
Buong Aklat (PDF)
Mga Footnote
Theme

Kabanata 35

Winasak ng pangangaral ng salita ang katusuhan ng mga Zoramita—Pinaalis nila ang mga nagbalik-loob, na pagkatapos ay mga nakiisa sa mga tao ni Ammon sa Jerson—Si Alma ay nalungkot dahil sa kasamaan ng mga tao. Mga 74 B.C.

1 Ngayon ito ay nangyari na, nang matapos si Amulek sa mga salitang ito, inilayo nila ang kanilang sarili sa maraming tao at nagtungo sa lupain ng Jerson.

2 Oo, at ang iba pa sa mga magkakapatid, matapos nilang ipangaral ang salita sa mga Zoramita, ay nagtungo rin sa lupain ng Jerson.

3 At ito ay nangyari na, na matapos na ang higit na kilalang bahagi ng mga Zoramita ay sama-samang nagsanggunian hinggil sa mga salitang ipinangaral sa kanila, sila ay nagalit dahil sa salita, sapagkat winasak nito ang kanilang akatusuhan; anupa’t sila ay tumangging makinig sa mga salita.

4 At sila ay nagpasabi at sama-samang tinipon ang lahat ng tao sa lahat ng dako ng buong lupain, at nakipagsanggunian sa kanila hinggil sa mga salitang sinabi.

5 Ngayon, ang kanilang mga tagapamahala at kanilang mga saserdote at kanilang mga guro ay hindi hinayaang malaman ng mga tao ang hinggil sa kanilang mga hangarin; samakatwid nalaman nila nang palihim ang mga iniisip ng lahat ng tao.

6 At ito ay nangyari na, na matapos nilang malaman ang mga iniisip ng lahat ng tao, na yaong mga sumasang-ayon sa mga salitang sinabi ni Alma at ng kanyang mga kapatid ay itinaboy palabas ng lupain; at sila ay marami; at sila ay nagtungo rin sa lupain ng Jerson.

7 At ito ay nangyari na, na nangaral sa kanila si Alma at ang kanyang mga kapatid.

8 Ngayon, ang mga tao ng mga Zoramita ay nagalit sa mga tao ni Ammon na nasa Jerson, at ang punong tagapamahala ng mga Zoramita, sapagkat napakasamang tao, ay nagpasabi sa mga tao ni Ammon na hinihiling sa kanila na itaboy nilang palabas ng kanilang lupain ang lahat ng yaong nagtungo sa kanilang lupain mula sa kanila.

9 At nangusap siya ng maraming pananakot laban sa kanila. At ngayon, ang mga tao ni Ammon ay hindi natakot sa kanilang mga salita; anupa’t hindi nila sila itinaboy palabas, bagkus ay tinanggap nila ang lahat ng maralita ng mga Zoramita na nagtungo sa kanila; at ainalagaan sila, at dinamitan sila, at binigyan sila ng mga lupain na kanilang mana; at kanilang pinaglingkuran sila alinsunod sa kanilang mga kakulangan.

10 Ngayon pinukaw nito ang mga Zoramita na magalit laban sa mga tao ni Ammon, at sila ay nagsimulang sumama sa mga Lamanita at pukawin din silang magalit laban sa kanila.

11 At sa gayon ang mga Zoramita at ang mga Lamanita ay nagsimulang maghanda para sa digmaan laban sa mga tao ni Ammon, at laban din sa mga Nephita.

12 At sa gayon nagtapos ang ikalabimpitong taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi.

13 At nilisan ng mga tao ni Ammon ang lupain ng Jerson, at nagtungo sa lupain ng Melek, at nagbigay-daan sa lupain ng Jerson sa mga hukbo ng mga Nephita, upang sila ay makipaglaban sa mga hukbo ng mga Lamanita at sa mga hukbo ng mga Zoramita; at sa gayon nagsimula ang isang digmaan sa pagitan ng mga Lamanita at ng mga Nephita, sa ikalabingwalong taon ng panunungkulan ng mga hukom; at isang aulat ng kanilang mga digmaan ang ibibigay pagkaraan nito.

14 At sina Alma at Ammon, at ang kanilang mga kapatid, at gayon din ang dalawang anak na lalaki ni Alma ay nagsibalik sa lupain ng Zarahemla, matapos na maging mga kasangkapan sa mga kamay ng Diyos sa pagdadala ng amarami sa mga Zoramita sa pagsisisi; at kasindami ng nadala sa pagsisisi ay itinaboy palabas ng kanilang lupain; subalit sila ay nagkaroon ng mga lupain na kanilang mana sa lupain ng Jerson, at sila ay humawak ng mga sandata upang ipagtanggol ang kanilang sarili, at kanilang mga asawa, at anak, at kanilang mga lupain.

15 Ngayon, si Alma, nagdadalamhati dahil sa kasamaan ng kanyang mga tao, oo, dahil sa mga digmaan, at sa mga pagdanak ng dugo, at sa mga alitan na nasa kanila; at matapos na maipahayag ang salita, o nagpasiyang ipahayag ang salita, sa lahat ng tao sa lahat ng lunsod; at nakikitang ang mga puso ng mga tao ay nagsimulang maging matitigas, at na nagsimula silang amagdamdam dahil sa kahigpitan ng salita, na ang kanyang puso ay labis na nalungkot.

16 Samakatwid, kanyang pinapangyaring sama-samang tipunin ang kanyang mga anak na lalaki, upang maibigay niya sa bawat isa sa kanila ang kani-kanyang atungkulin, nang magkakahiwalay, hinggil sa mga bagay na nauukol sa kabutihan. At kami ay may ulat ng kanyang mga kautusan, na ibinigay niya sa kanila ayon sa kanyang sariling talaan.