Alma 58
Mga Download
Buong Aklat (PDF)
Mga Footnote
Theme

Kabanata 58

Nakuha nina Helaman, Gid, at Tiomner ang lunsod ng Manti sa pamamagitan ng pakana—Ang mga Lamanita ay umurong—Pinangalagaan ang mga anak ng mga tao ni Ammon samantalang di matinag silang nanindigan sa pagtatanggol ng kanilang kalayaan at relihiyon. Mga 63–62 B.C.

1 At masdan, ngayon ito ay nangyari na, na ang aming sumunod na layunin ay makuha ang lunsod ng Manti; subalit masdan, walang paraang mailayo namin sila mula sa lunsod sa pamamagitan ng aming maliliit na pangkat. Sapagkat masdan, naalaala nila ang ginawa namin noong una; anupa’t hindi namin sila amalinlang na lumayo sa kanilang mga muog.

2 At higit silang nakararami kaysa sa aming hukbo kung kaya’t hindi namin tinangkang harapin at salakayin sila sa kanilang mga muog.

3 Oo, at kinailangang gamitin namin ang aming mga tauhan sa pangangalaga ng mga bahaging yaon ng lupain na nabawi namin ang pagmamay-ari; kaya nga, kinakailangang kami ay maghintay, upang makatanggap kami ng karagdagang lakas mula sa lupain ng Zarahemla at gayon din ng karagdagang panustos na mga pagkain.

4 At ito ay nangyari na, na sa gayon ako nagpasugo ng mensahero sa gobernador ng ating lupain, upang maipaalam sa kanya ang hinggil sa mga bagay-bagay ng ating mga tao. At ito ay nangyari na, na kami ay naghintay na makatanggap ng mga pagkain at lakas mula sa lupain ng Zarahemla.

5 Subalit masdan, nakinabang kami nang kaunti lamang dito; sapagkat ang mga Lamanita ay tumatanggap din ng labis na lakas sa araw-araw, at marami ring pagkain; at gayon ang aming kalagayan sa panahong ito.

6 At ang mga Lamanita ay sinasalakay kami sa pana-panahon, gumagamit ng pakana upang lipulin kami; gayon pa man, hindi kami maaaring makidigma sa kanila, dahil sa kanilang mga dulugan at kanilang mga muog.

7 At ito ay nangyari na, na kami ay naghintay sa ganitong mahirap na kalagayan sa loob ng maraming buwan, maging hanggang sa masasawi na sana kami dahil sa kawalan ng pagkain.

8 Subalit ito ay nangyari na, na kami ay nakatanggap ng pagkain, na binantayan para sa amin ng isang hukbo ng dalawang libong tauhan bilang tulong sa amin; at ito lamang ang tulong na natanggap namin, upang ipagtanggol ang aming sarili at ating bayan mula sa pagbagsak sa mga kamay ng ating mga kaaway, oo, upang labanan ang kaaway na hindi mabilang.

9 At ngayon, ang dahilan ng aming pagkapahiyang ito, o ang dahilan kung bakit hindi sila nagpadala ng karagdagan pang lakas sa amin, ay hindi namin nalalaman; kaya nga, kami ay nalungkot at napuspos din ng takot, at baka sa anumang pamamaraan ay dalawin kami ng mga paghahatol ng Diyos sa ating lupain, tungo sa ating pagkagapi at lubos na pagkalipol.

10 Anupa’t ibinuhos namin ang aming mga kaluluwa sa panalangin sa Diyos, upang palakasin niya kami at iligtas kami mula sa mga kamay ng ating mga kaaway, oo, at bigyan din tayo ng lakas na mapangalagaan natin ang ating mga lunsod, at ating mga lupain, at ating mga pag-aari, para sa pagtataguyod ng ating mga tao.

11 Oo, at ito ay nangyari na, na kami ay dinalaw ng mga paniniyak ng Panginoon nating Diyos na ililigtas niya kami; oo, hanggang sa siya ay bumulong ng kapayapaan sa aming mga kaluluwa, at nagbigay sa amin ng malaking pananampalataya, at pinapangyaring kami ay umasa ng aming kaligtasan sa kanya.

12 At nagkalakas-loob kami sa aming maliit na hukbo na natanggap namin, at matatag na nagtikang gapiin ang aming mga kaaway, at na apanatilihin ang ating mga lupain, at ating mga pag-aari, at ating mga asawa, at ating mga anak, at ang layunin ng ating bkalayaan.

13 At sa gayon kami humayo nang buong lakas namin laban sa mga Lamanita, na nasa lunsod ng Manti; at itinayo namin ang aming mga tolda sa bahagi ng ilang, na malapit sa lunsod.

14 At ito ay nangyari na, na kinabukasan, nang makita ng mga Lamanita na kami ay nasa mga hangganan ng ilang na malapit sa lunsod, na sila ay nagpasugo ng mga tiktik sa paligid namin upang malaman nila ang bilang at lakas ng aming hukbo.

15 At ito ay nangyari na, nang makita nilang hindi kami malakas, alinsunod sa aming mga bilang, at natatakot na harangin namin ang kanilang panustos maliban kung sila ay lalabas upang makidigma sa amin at patayin kami, at inaakala ring madali nila kaming malilipol dahil sa napakalaki nilang hukbo, anupa’t nagsimula silang gumawa ng mga paghahanda upang makasalakay sila at makidigma laban sa amin.

16 At nang makita namin na sila ay gumagawa ng mga paghahanda upang salakayin kami, masdan, pinakilos ko si Gid, kasama ang maliit na bilang ng mga tauhan, na magkubli sa ilang, at gayon din si Tiomner at maliit na bilang ng mga tauhan na magkubli rin sa ilang.

17 Ngayon, si Gid at ang kanyang mga tauhan ay nasa dakong kanan at ang iba’y nasa dakong kaliwa; at nang maikubli nila ang kanilang sarili, masdan, ako ay nanatili, kasama ang nalalabi sa aking hukbo, sa yaon ding lugar na una naming tinayuan ng aming mga tolda sa panahon ng pagsalakay ng mga Lamanita upang makidigma.

18 At ito ay nangyari na, na ang mga Lamanita ay sumalakay kasama ang kanilang napakalaking hukbo laban sa amin. At nang sila ay makalapit at sasalakayin na sana nila kami ng kanilang mga espada, inutusan ko ang aking mga tauhan, yaong mga kasama ko, na magsiurong sa ilang.

19 At ito ay nangyari na, na ang mga Lamanita ay mabilis kaming tinugis, sapagkat labis silang nagnanais na abutan kami upang mapatay nila kami; kaya nga sinundan nila kami sa ilang; at dumaan kami sa gitna nina Gid at Tiomner, kung kaya’t hindi sila natuklasan ng mga Lamanita.

20 At ito ay nangyari na, nang ang mga Lamanita ay nakaraan na, o nang ang hukbo ay nakaraan na, sina Gid at Tiomner ay nagsilabas mula sa kanilang mga lugar na pinagkukublihan, at hinarang ang mga tiktik ng mga Lamanita upang hindi na sila makabalik pa sa lunsod.

21 At ito ay nangyari na, nang kanilang maharangan sila, na sila ay nagsitakbo patungo sa lunsod at sinalakay ang mga bantay na naiwan upang bantayan ang lunsod, hanggang sa kanilang nalipol sila at nasakop ang lunsod.

22 Ngayon, ito ay nagawa dahil sa itinulot ng mga Lamanita na ang kanilang buong hukbo, maliban sa iilang bantay lamang, na maakay palayo patungo sa ilang.

23 At ito ay nangyari na, na nasakop nina Gid at Tiomner sa pamamaraang ito ang kanilang mga muog. At ito ay nangyari na, na itinuloy namin ang aming pagtakas, matapos ang mahabang paglalakbay sa ilang patungo sa lupain ng Zarahemla.

24 At nang makita ng mga Lamanita na patungo sila sa lupain ng Zarahemla, na labis silang natakot, at baka may plano na binuo upang madala sila sa pagkalipol; anupa’t nagsimula silang umurong patungong muli sa ilang, oo, maging pabalik sa yaon ding landas na dinaanan nila.

25 At masdan, sumapit ang gabi at itinayo nila ang kanilang mga tolda, sapagkat inakala ng mga punong kapitan ng mga Lamanita na napagod ang mga Nephita dahil sa kanilang paghayo; at inaakalang naitaboy nila ang buo nilang hukbo, kaya nga hindi sila nag-isip hinggil sa lunsod ng Manti.

26 Ngayon ito ay nangyari na, nang sumapit ang gabi, iniutos ko na ang aking mga tauhan ay huwag magsitulog, sa halip sila ay magsipaghayo sa ibang daan patungo sa lupain ng Manti.

27 At dahil dito sa aming paghayo sa gabi, masdan, kinabukasan ay nalampasan namin ang mga Lamanita, kung kaya nga’t naunahan namin sila na makarating sa lunsod ng Manti.

28 At sa gayon ito ay nangyari na, na sa pamamagitan ng pakanang ito ay naangkin namin ang lunsod ng Manti nang walang pagdanak ng dugo.

29 At ito ay nangyari na, nang ang mga hukbo ng mga Lamanita ay makarating sa malapit sa lunsod, at nakita nilang nakahanda kaming humarap sa kanila, ay labis silang nanggilalas at nakadama ng masidhing takot, kung kaya nga’t sila ay nagsitakas sa ilang.

30 Oo, at ito ay nangyari na, na ang mga hukbo ng mga Lamanita ay nagsitakas sa lahat ng bahaging ito ng lupain. Subalit masdan, sila ay nagtangay ng maraming babae at bata mula sa lupain.

31 At ang mga ayaong lunsod na nasakop ng mga Lamanita, lahat ng yaon sa mga oras na ito’y nasa aming pag-aari; at ang aming mga ama at aming kababaihan, at aming mga anak ay nagsisibalik sa kani-kanilang mga tahanan, lahat maliban sa mga yaong nadalang bihag at tinangay ng mga Lamanita.

32 Subalit masdan, ang aming hukbo ay maliit upang mapangalagaan ang napakaraming lunsod at napakalaking pag-aari.

33 Subalit masdan, kami ay nagtitiwala sa aming Diyos na siyang nagbigay sa amin ng tagumpay sa mga lupaing yaon, kaya nga’t nakuha namin ang mga lunsod na yaon at mga lupaing yaon, na pag-aari natin.

34 Ngayon hindi namin nalalaman ang dahilan ng hindi pagpapadala ng pamahalaan sa amin ng karagdagang lakas; ni hindi rin nalalaman ng mga tauhang yaon na ipinadala sa amin kung bakit hindi kami nakatanggap ng karagdagang lakas.

35 Masdan, hindi namin nalalaman kung nabigo kayo, at kinailangan ninyo ng mga hukbo sa dakong iyan ng lupain; kung nagkagayon, hindi namin nais na dumaing.

36 At kung hindi gayon, masdan, kami ay nangangamba na baka may apagkakahati sa pamahalaan, kung kaya’t hindi sila nagpapadala ng karagdagang tauhan upang tulungan kami; sapagkat nalalaman naming higit na marami sila kaysa sa ipinadala nila.

37 Subalit masdan, ito ay hindi na mahalaga—nagtitiwala kaming aililigtas kami ng Diyos, sa kabila ng kahinaan ng aming mga hukbo, oo, at ililigtas kami mula sa mga kamay ng ating mga kaaway.

38 Masdan, ito ang ikadalawampu at siyam na taon, sa ikahuling bahagi, at nasa pag-aari na namin ang ating mga lupain; at ang mga Lamanita ay nagsitakas patungo sa lupain ng Nephi.

39 At ang mga anak ng mga yaong tao ni Ammon, na labis kong ipinagmamapuri, ay kasama ko sa lunsod ng Manti; at itinaguyod sila ng Panginoon, oo, at pinangalagaan sila upang hindi magsibagsak sa pamamagitan ng espada, kung kaya’t maging aisang katao ay hindi napatay.

40 Subalit masdan, nakatanggap sila ng maraming sugat; gayon pa man sila ay hindi natinag sa akalayaang yaon kung saan sila ginawang malaya ng Diyos; at sila ay mahigpit sa pag-alaala sa Panginoon nilang Diyos sa araw-araw; oo, patuloy nilang sinusunod ang kanyang mga batas, at kanyang mga kahatulan, at kanyang mga kautusan; at malakas ang kanilang pananampalataya sa mga propesiya hinggil sa yaong darating.

41 At ngayon, mahal kong kapatid, Moroni, nawa ang Panginoon nating Diyos, na siyang tumubos at nagpalaya sa atin, ay patuloy kang pangalagaan sa kanyang harapan; oo, at nawa ay itaguyod niya ang mga taong ito, maging sa magtagumpay ka sa pananakop ng lahat ng yaong kinuha ng mga Lamanita mula sa atin, para sa ating panustos. At ngayon masdan, tinatapos ko ang aking liham. Ako si Helaman, ang anak ni Alma.