Alma 14
Mga Download
Buong Aklat (PDF)
Mga Footnote
Theme

Kabanata 14

Sina Alma at Amulek ay ibinilanggo at pinahirapan—Ang mga naniniwala at ang kanilang mga banal na kasulatan ay tinupok ng apoy—Ang mga martir na ito ay tinanggap ng Panginoon sa kaluwalhatian—Ang pader ng bilangguan ay nawasak at bumagsak—Sina Alma at Amulek ay naligtas, at ang kanilang mga taga-usig ay nangamatay. Mga 82–81 B.C.

1 At ito ay nangyari na, nang matapos siya sa pagsasalita sa mga tao na marami sa kanila ang naniwala sa kanyang mga salita, at nagsimulang magsisi, at saliksikin ang mga abanal na kasulatan.

2 Subalit ang nakararami sa kanila ay nagnais na kanilang mapatay sina Alma at Amulek; sapagkat sila ay nagalit kay Alma, dahil sa akalinawan ng kanyang mga salita kay Zisrom; at sinabi rin nilang si Amulek ay bnagsinungaling sa kanila, at nilait ang kanilang batas at gayon din ang kanilang mga manananggol at hukom.

3 At sila rin ay nagalit kina Alma at Amulek; at dahil sa sila ay nagpatotoo nang napakalinaw laban sa kanilang kasamaan, hinangad nilang patayin sila nang palihim.

4 Subalit ito ay nangyari na, na ito ay hindi nila nagawa; kundi kanilang dinakip sila at iginapos sila ng matitibay na lubid, at dinala sila sa harapan ng punong hukom ng lupain.

5 At ang mga tao ay humayo at sumaksi laban sa kanila—nagpapatotoo na nilait nila ang batas, at ang kanilang mga manananggol at hukom sa lupain, at gayon din ang lahat ng taong nasa lupain; at nagpatotoo ring may isang Diyos lamang, at na isusugo niya ang kanyang Anak sa mga tao, subalit hindi niya ililigtas sila; at maraming gayong bagay ang pinatotohanan ng mga tao laban kina Alma at Amulek. Ngayon, ito ay naganap sa harapan ng punong hukom ng lupain.

6 At ito ay nangyari na, na si Zisrom ay nanggilalas sa mga salitang sinabi; at kanya ring nalaman ang hinggil sa kabulagan ng mga isipan, na kanyang pinapangyari sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang mga salita ng kasinungalingan; at ang kanyang kaluluwa ay nagsimulang amasugatan sa ilalim ng bkaalaman ng kanyang sariling pagkakasala; oo, siya ay sinimulang palibutan ng mga pasakit ng impiyerno.

7 At ito ay nangyari na, na siya ay nagsimulang manawagan sa mga tao, sinasabing: Masdan, ako ang may asala, at ang mga taong ito ay walang bahid-dungis sa harapan ng Diyos. At siya ay nagsimulang magmakaawa para sa kanila mula sa panahong yaon; subalit kanilang nilait siya, sinasabing: Ikaw rin ba ay nasapian na ng diyablo? At kanilang dinuraan siya, at bitinaboy siyang palabas mula sa kanila, at gayon din ang lahat ng yaong naniwala sa mga salitang sinabi nina Alma at Amulek; at kanilang itinaboy sila, at nagsugo ng mga tao upang magpukol ng mga bato sa kanila.

8 At pinagsama-sama nila ang kanilang mga asawa at anak, at sino man ang naniwala o naturuan upang maniwala sa salita ng Diyos ay pinapangyari nila na sila’y itapon sa apoy; at kinuha rin nila ang kanilang mga talaan na naglalaman ng mga banal na kasulatan, at itinapon din ang mga ito sa apoy, upang ang mga ito ay matupok at mawasak ng apoy.

9 At ito ay nangyari na, na kanilang dinakip sina Alma at Amulek, at dinala sila sa lugar ng pagkamartir, upang masaksihan nila ang pagkalipol ng mga yaong tinutupok ng apoy.

10 At nang makita ni Amulek ang mga pasakit ng kababaihan at maliliit na bata na natutupok ng apoy, siya rin ay nasaktan; at sinabi niya kay Alma: Paanong nasasaksihan natin ang nakapanghihilakbot na tagpong ito? Kaya nga iunat natin ang ating mga kamay, at gamitin ang akapangyarihan ng Diyos na nasa atin, at iligtas sila mula sa mga ningas.

11 Subalit sinabi sa kanya ni Alma: Ang Espiritu ay pinipigilan ako na hindi ko kailangang iunat ang aking kamay; sapagkat masdan, tinatanggap sila ng Panginoon sa kanyang sarili, sa akaluwalhatian; at pinahihintulutan niyang gawin nila ang bagay na ito o ang magawa ng mga tao ang bagay na ito sa kanila, alinsunod sa katigasan ng kanilang mga puso, upang ang bkahatulang gagawin niya sa kanila sa kanyang kapootan ay maging makatarungan; at ang cdugo ng dwalang sala ay tatayong saksi laban sa kanila, oo, at malakas na daraing laban sa kanila sa huling araw.

12 Ngayon sinabi ni Amulek kay Alma: Masdan, marahil tayo ay susunugin din nila.

13 At sinabi ni Alma: Ito ay alinsunod sa kalooban ng Panginoon. Subalit, masdan, ang ating gawain ay hindi pa natatapos; kaya nga, tayo ay hindi nila susunugin.

14 Ngayon ito ay nangyari na, nang ang mga katawan ng mga yaong itinapon sa apoy ay natupok na, at gayon din ang mga talaang itinapon na kasama nila, ang punong hukom ay dumating at tumindig sa harapan nina Alma at Amulek, habang sila ay nakagapos; at sinampal niya ng kanyang kamay ang kanilang mga pisngi, at sinabi sa kanila: Matapos ang inyong nakita, kayo ba ay mangangaral na muli sa mga taong ito, upang sila ay itapon sa alawa ng apoy at asupre?

15 Masdan, inyong nakita na kayo’y walang kapangyarihang iligtas ang mga yaong itinapon sa apoy; ni ang iligtas sila ng Diyos dahil sa sila ay inyong kasampalataya. At muli silang sinampal ng hukom sa kanilang mga pisngi, at nagtanong: Ano ang masasabi ninyo para sa inyong sarili?

16 Ngayon, ang hukom na ito ay alinsunod sa orden at pananampalataya ni aNehor, na siyang pumatay kay Gedeon.

17 At ito ay nangyari na, na sina Alma at Amulek ay walang itinugon sa kanya; at muli niyang sinampal sila, at ibinigay sila sa mga pinuno upang itapon sa bilangguan.

18 At nang naitapon na sila sa bilangguan ng tatlong araw, dumating ang maraming amanananggol, at mga hukom, at saserdote, at guro, na nasa katungkulan ni Nehor; at sila’y pumasok sa bilangguan upang makita sila, at kanilang tinanong sila tungkol sa maraming salita; subalit wala silang itinugon sa kanila.

19 At ito ay nangyari na, na ang hukom ay tumindig sa kanilang harapan, at nagsabi: Bakit hindi ninyo tugunin ang mga salita ng mga taong ito? Hindi ba ninyo nalalaman na may kapangyarihan akong iligtas kayo sa mga ningas? At inutusan niya silang magsalita; subalit wala silang itinugon.

20 At ito ay nangyari na, na sila’y nagsilisan at nagtungo sa kani-kanilang landas, subalit muling nagsibalik kinabukasan; at muli rin silang sinampal sa pisngi ng hukom. At marami rin ang nagsidating, at sinampal sila, sinasabing: Kayo ba’y muling titindig, at hahatulan ang mga taong ito, at tutuligsain ang aming batas? Kung kayo’y may gayong kalakas na kapangyarihan bakit hindi ninyo ailigtas ang inyong sarili?

21 At maraming gayong bagay ang sinabi nila sa kanila, pinagngangalit ang kanilang mga ngipin sa kanila, at dinuduraan sila, at sinasabing: Ano ang magiging anyo namin kapag kami ay isinumpa?

22 At maraming gayong bagay, oo, lahat ng uri ng gayong bagay ay sinabi nila sa kanila; at sa gayon kanilang kinutya sila nang maraming araw. At ipinagkait nila ang pagkain sa kanila upang sila’y magutom, at tubig upang sila’y mauhaw; at kinuha rin nila mula sa kanila ang mga kasuotan nila kung kaya’t sila’y nakahubad; at sa gayon sila iginapos nang matitibay na lubid, at ipiniit sa bilangguan.

23 At ito ay nangyari na, na matapos silang magdusa nang gayon nang maraming araw, (at ito ay sa ikalabindalawang araw, sa ikasampung buwan, sa ikasampung taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi) na ang punong hukom ng lupain ng Ammonihas at marami sa kanilang mga guro at manananggol ay pumasok sa bilangguan kung saan sina Alma at Amulek ay nagagapos ng mga lubid.

24 At ang punong hukom ay tumindig sa kanilang harapan, at muli silang sinampal, at sinabi sa kanila: Kung taglay ninyo ang kapangyarihan ng Diyos ay pawalan ninyo ang inyong sarili mula sa pagkakagapos na ito, at sa gayon kami ay maniniwalang lilipulin ng Panginoon ang mga taong ito alinsunod sa inyong mga salita.

25 At ito ay nangyari na, na silang lahat ay lumapit at sinampal sila, sinasabi ang gayon ding mga salita, maging hanggang sa huli; at nang ang huli ay nakapagsalita na sa kanila, ang akapangyarihan ng Diyos ay napasakina Alma at Amulek, at sila’y bumangon at tumindig sa kanilang mga paa.

26 At si Alma ay nagsumamo, sinasabing: Gaano katagal kaming magdaranas ng labis na mga apagpapahirap na ito, O Panginoon? O Panginoon, bigyan kami ng lakas alinsunod sa aming pananampalataya na na kay Cristo, maging tungo sa kaligtasan. At nilagot nila ang mga lubid na gumagapos sa kanila; at nang makita ito ng mga tao, sila’y nagsimulang magsipanakbuhan, sapagkat ang takot sa pagkalipol ay nanaig sa kanila.

27 At ito ay nangyari na, na sa laki ng kanilang takot sila’y nalugmok sa lupa, at hindi na narating pa ang panlabas na pintuan ng abilangguan; at ang lupa ay nayanig nang malakas, at ang mga pader ng bilangguan ay nahati sa dalawa, kung kaya’t ang mga ito ay bumagsak sa lupa; at ang punong hukom, at ang mga manananggol, at saserdote, at guro, na sumampal kina Alma at Amulek, ay nangamatay sa pagbagsak na yaon.

28 At sina Alma at Amulek ay humayong palabas ng bilangguan, at sila’y hindi nasaktan; sapagkat pinagkalooban sila ng Panginoon ng kapangyarihan, alinsunod sa kanilang pananampalataya na na kay Cristo. At sila’y kaagad na humayong palabas ng bilangguan; at sila’y anakalagan mula sa kanilang pagkakagapos; at ang bilangguan ay bumagsak sa lupa, at lahat ng tao sa loob ng mga pader niyon, maliban kina Alma at Amulek, ay nangamatay; at sila’y kaagad na nagtungo sa lunsod.

29 Ngayon, nang marinig ng mga tao ang malakas na ingay ay sama-samang nagtakbuhan ang maraming tao upang alamin ang sanhi nito; at nang makita nila sina Alma at Amulek na lumalabas ng bilangguan, at na ang mga pader niyon ay nagbagsakan sa lupa, sila ay nakadama ng malaking takot, at nagsipanakbuhan mula sa harapan nina Alma at Amulek maging tulad ng isang kambing na tumatakas kasama ang kanyang anak mula sa dalawang leon; at sa gayon sila nagsipanakbuhan mula sa harapan nina Alma at Amulek.