Mga Tulong sa Pag-aaral
Elias


Elias

May ilang gamit ang pangalan o katawagang Elias sa mga banal na kasulatan:

Elijah

Ang anyo ng pangalang Elijah (Hebreo) sa Bagong Tipan ay Elias (Griyego), tulad sa Mat. 17:3–4, Lu. 4:25–26, at Sant. 5:17. Sa ganitong mga paliwanag, si Elias ang sinaunang propetang si Elijah na ang paglilingkod na ginawa ay nakatala sa 1 at 2 Hari.

Tagapagpauna

Ang Elias ay isa ring katawagan sa isang tagapagpauna. Halimbawa, si Juan Bautista ay isang Elias dahil sinugo siya upang ihanda ang daan para kay Jesus (Mat. 17:12–13).

Tagapanumbalik

Ang katawagang Elias ay itinatawag din sa iba na may natatanging misyon na gagawin, katulad nina Juan, ang Tagahayag (D at T 77:14) at Gabriel (Lu. 1:11–20; D at T 27:6–7; 110:12).

Ang lalaki sa dispensasyon ni Abraham

Isang propeta na tinawag na Esaias o Elias na maliwanag na nanirahan sa panahon ni Abraham (D at T 84:11–13; 110:12).