Mga Tulong sa Pag-aaral
Taga-Roma, Sulat sa mga


Taga-Roma, Sulat sa mga

Sa Bagong Tipan, isang liham na isinulat ni Pablo para sa mga Banal sa Roma. Minumuni-muni niya ang pagdalaw sa Jerusalem, na tiyak na mapanganib. Kung nailigtas niya ang kanyang buhay, umasa siyang sa dakong huli ay makadadalaw sa Roma. Ang isang bahagi ng liham ay naglalayong ihanda ang Simbahan doon na tanggapin siya sa kanyang pagparoon. Maaari ring ipalagay na ito ay naglalaman ng ulat ng mga ilang doktrina na pinagtatalunan at itinuturing noon ni Pablo na napatunayan na.

Nilalaman ng kabanata 1 ang pagbati ni Pablo sa mga taga-Roma. Sa mga kabanata 2–11 napapaloob ang ilang mga pahayag sa doktrina ng pananampalataya, mga gawa, at biyaya. Nilalaman ng mga kabanata 12–16 ang mga tunay na turo tungkol sa pag-ibig, tungkulin, at kabanalan.