Mga Tulong sa Pag-aaral
Utang


Utang

Tulad ng pagkakagamit sa mga banal na kasulatan, ang hiniram na salapi o ari-arian sa iba ay nagdadala sa nanghiram sa isang uri ng pagkaalipin. Sa ibang dako, itinuro ni Jesus na dapat nating hingin ang kapatawaran ng Ama sa ating mga pagkakautang, o palayain tayo mula sa pagbabayad ng ating mga kasalanan—sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Jesucristo—matapos nating patawarin ang iba sa kanilang mga pagkakasala sa atin (Mat. 6:12; 3 Ne. 13:11).