Mga Tulong sa Pag-aaral
Taga-Galacia, Sulat sa mga


Taga-Galacia, Sulat sa mga

Isang aklat sa Bagong Tipan. Ito ay orihinal na liham na isinulat ng Apostol na si Pablo sa mga Banal na naninirahan sa buong Galacia. Ang paksa ng liham na ito ay, ang tunay na kalayaan ay matatagpuan lamang sa pamumuhay sa ebanghelyo ni Jesucristo. Kung tinanggap ng mga banal ang mga turo ng mga Cristiyanong Judio na pinipilit ipatupad ang mga batas ni Moises, hahadlangan nila o wawasakin ang kalayaang natagpuan na nila kay Cristo. Sa sulat, pinangatawanan ni Pablo ang sarili niyang katungkulan bilang isang Apostol, ipinaliwanag ang doktrina ng kabutihan sa pamamagitan ng pananampalataya, at pinatotohanan ang kahalagahan ng isang relihiyong espirituwal.

Ipinahayag ni Pablo sa mga kabanata 1 at 2 ang kalungkutan sa balitang natanggap niya sa lubusang pagtalikod sa katotohanan sa mga taga-Galacia at nilinaw ang kanyang tungkulin sa kalipunan ng mga Apostol. Tinatalakay sa mga kabanata 3 at 4 ang mga doktrina ng pananampalataya at paggawa. Naglalaman ang mga kabanata 5 at 6 ng isang pangaral hinggil sa mga ibubunga ng doktrina ng pananampalataya.