Mga Tulong sa Pag-aaral
Eter


Eter

Ang huling propetang Jaredita sa Aklat ni Mormon (Eter 12:1–2).

Ang aklat ni Eter

Isang aklat sa Aklat ni Mormon na naglalaman ng mga bahagi ng talaan ng mga Jaredita. Ang mga Jaredita ay isang pangkat ng mga tao na nanirahan sa kanlurang bahagi ng mundo maraming daang taon bago dumating ang mga tao ni Lehi. Kinuha ang aklat ni Eter mula sa dalawampu’t apat na laminang natagpuan ng mga tao ni Limhi (Mos. 8:8–9).

Nasasaad sa mga kabanata 1–2 kung paano iniwan ng mga Jaredita ang kanilang tahanan sa panahon ng Tore ng Babel at nagsimula sa kanilang paglalakbay na sa ngayon ay kilala bilang lupalop ng Amerika. Ipinaliliwanag sa mga kabanata 3–6 na nakita ng kapatid ni Jared ang Tagapagligtas na nasa kalagayang hindi pa mortal at naglakbay ang mga Jaredita sa walong gabara. Ipinagpapatuloy sa mga kabanata 7–11 ang kasaysayan ng kasamaang labis na nangibabaw sa kasaysayan ng Jaredita. Si Moroni, na siyang nagsaayos ng talaan ni Eter, ay sumulat sa mga kabanata 12–13 ng mga kamangha-manghang pangyayaring nagagawa ng pananampalataya at ng tungkol kay Cristo at sa isang Bagong Jerusalem na darating. Nasasaad sa mga kabanata 14–15 kung paano naging isang malakas na bansa ang mga Jaredita subalit nalipol ng digmaang sibil dahil sa kasamaan