Mga Tulong sa Pag-aaral
Tomas


Tomas

Sa Bagong Tipan, isa sa mga orihinal na Labindalawang Apostol na pinili ng Tagapagligtas sa panahon ng kanyang ministeryo sa buhay na ito. Sa Griyego ang pangalan ay Didimo (Mat. 10:2–3; Juan 14:5; 20:24–29; 21:2). Kahit na nag-alinlangan si Tomas sa pagkabuhay na mag-uli ni Jesus, hanggang sa nakita niya mismo ang Tagapagligtas, ang lakas ng kanyang pagkatao ang naghanda sa kanya upang harapin ang pag-uusig at kamatayan kasama ng kanyang Panginoon (Juan 11:16; 20:19–25).