Ang diwa ng pagkamahabagin, pagkamadamayin, at pagpapatawad. Ang awa ay isa sa mga katangian ng Diyos. Iniaalay ni Jesucristo ang awa sa atin sa pamamagitan ng kanyang pambayad-salang hain.
Pinagpala ang mga mahabagin: sapagkat sila ay kahahabagan, Mat. 5:7 (3Â Ne. 12:7 ).
Sa aba sa mga mapagbalatkayo na nagbabayad ng ikapu at pinababayaan ang lalong mahalagang bagay ng batas, katarungan, awa, at pananampalataya, Mat. 23:23 .
Maging maawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain, Lu. 6:36 .
Hindi dahil sa mga gawa sa katwiran na ginagawa nating sarili, kundi alinsunod sa awa ay kanya tayong iniligtas, Tit. 3:5 .
Ang bisig ng awa ni Jesucristo ay nagbayad-sala para sa ating mga kasalanan, D at T 29:1 .
Sa pamamagitan ng dugong aking ibinuhos, ako ay nagmakaawa sa Ama para sa mga yaong naniniwala sa aking pangalan, D at T 38:4 .
Sila na tumutupad sa tipan ay makatatamo ng awa, D at T 54:6 .
Ako, ang Panginoon ay nagpapatawad ng mga kasalanan, at naaawa sa mga yaong nagsisisi ng kanilang mga kasalanan nang may mga mapagpakumbabang puso, D at T 61:2 .
Ako, ang Panginoon, ay nagpapakita ng awa sa lahat ng maamo, D at T 97:2 .
At sinumang tumatanggap sa inyo na wari’y isang bata, ay makatatanggap ng aking kaharian, sapagkat sila’y kaaawaan, D at T 99:3 .