Mga Tulong sa Pag-aaral
Pagtatalaga


Pagtatalaga

Ang mapili at ilaan para sa mga banal na layunin. Ang pagkahirang na ito ay para sa natatanging paglilingkod sa loob ng samahan sa Simbahan sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay nang sinumang may tamang karapatan. Sila lamang na namumuno sa mga korum ng pagkasaserdote ang nakatatanggap ng mga susi kapag sila ay itinatalaga. Ang mga taong itinatalaga sa mga tungkulin bukod sa pangulo ng mga korum ng pagkasaserdote ay maaaring makatanggap ng pagbabasbas ng Pkasaserdote, subalit hindi ibinibigay ang mga susi sa pagbabasbas na iyon.