Mga Tulong sa Pag-aaral
Templo ng Kirtland


Templo ng Kirtland

Ang unang templong itinayo ng Simbahan sa makabagong panahon. Itinayo ito ng mga Banal sa Kirtland, Ohio, Estados Unidos ng Amerika, alinsunod sa utos ng Panginoon (D at T 94:3–9). Isang layunin nito ay makapaglaan ng isang lugar kung saan ang karapat-dapat na mga kasapi ng Simbahan ay makatanggap ng kapangyarihang espirituwal, karapatan, at kaliwanagan (D at T 109; 110). Ito ay inilaan noong ika–27 ng Marso 1836; ang panalangin ng paglalaan ay ibinigay sa Propetang si Joseph Smith sa pamamagitan ng paghahayag (D at T 109). Ibinigay ng Panginoon dito ang ilang mahahalagang paghahayag at pinanumbalik ang mga kinakailangang susi ng pagkasaserdote (D at T 110; 137). Ito ay hindi ginamit sa lahat ng ordenansa ng templo na ibinibigay sa mga templo ngayon.