Mga Tulong sa Pag-aaral
Pagtutuli


Pagtutuli

Ang tanda ng tipang Abraham para sa kalalakihang Israelita noong mga nakalipas na dispensasyon sa Lumang Tipan (Gen. 17:10–11, 23–27; PJS, Gen. 17:11). Isinasagawa ang pagtutuli sa pamamagitan ng pagputol sa “laman ng balat na masama” ng mga lalaking sanggol at gayundin ng matatanda. Tinamasa ng mga yaong tumanggap nito ang mga pribilehiyo at tinanggap ang mga tungkulin ng tipan. Ang pagtutuli bilang isang tanda ng tipan ay nagtapos sa misyon ni Cristo (Moro. 8:8; D at T 74:3–7).