Mga Tulong sa Pag-aaral
Obadias


Obadias

Isang propeta sa Lumang Tipan na naghayag ng kapahamakan ng Edom. Siya ay maaaring nagpropesiya sa panahon ng paghahari ni Jehoram (848–844 B.C.) o sa panahon ng paglusob ng mga taga-Babilonia noong 586 B.C.

Ang aklat ni Obadias

Isang aklat sa Lumang Tipan. Ito ay may isang kabanata lamang. Dito, isinulat ni Obadias ang pagbagsak ng Edom at nagpropesiyang tatayo ang mga tagapagligtas sa Bundok ng Sion.