Sa mga banal na kasulatan, maaaring tumutukoy ang maralita sa (1) mga taong wala ng mga kinakailangang materyal na bagay, tulad ng pagkain, damit, at tirahan, o (2) mga taong mapagpakumbaba at walang kapalaluan.
Maralita sa mga materyal na bagay
Huwag mong itikom ang iyong kamay sa maralita mong kapatid, Deut. 15:7 .
Sa kapalaluan ng masama, ang dukha ay pinag-uusig, Awit 10:2 .
Siya na nagbibigay sa dukha ay hindi masasalat, Kaw. 28:27 .
Dalhin ang maralita sa inyong tahanan, Is. 58:6–7 .
Sapagkat sila ay mayayaman kanilang hinahamak ang mga maralita, 2Â Ne. 9:30 .
Alang-alang sa pananatili ng kapatawaran ng inyong mga kasalanan, magbahagi ng inyong kabuhayan sa mga maralita, Mos. 4:26 .
Ibinahagi nila ang kanilang kabuhayan sa mga maralita, Alma 1:27 .
Kung inyong tatalikuran ang mga nangangailangan, ang inyong panalangin ay walang kabuluhan, Alma 34:28 .
Ang mga Nephita ay may pagkakapantay-pantay sa lahat ng bagay; sa kanila ay walang mayaman at maralita, 4Â Ne. 1:3 .
Higit na pinagpala ang mga yaong nagpakumbaba sa kanilang sarili nang hindi pinipilit dahil sa kanilang kahirapan, Alma 32:4–6, 12–16 .
Mapapalad ang mga aba sa espiritu na lumalapit sa akin, 3Â Ne. 12:3 (Mat. 5:3 ).