Tiyaga Tingnan din sa Maamo, Kaamuan; Makapagtiis Matahimik na pagtitiis; ang kakayahang matiis ang mga paghihirap, paghamak, o pinsala nang walang pagdaing o paghihiganti. Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay kang may pagtitiis sa kanya, Awit 37:7–8. Siya na makupad sa pagkagalit ay may dakilang pang-unawa, Kaw. 14:29. Sa inyong pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa, Lu. 21:19. Sa pamamagitan ng pagtitiis at pag-aliw ng mga kasulatan ay magkakaroon tayo ng pag-asa, Rom. 15:4. Maging tagatulad kaya nila na sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiis ay magmamana ng mga pangako, Heb. 6:12–15. Inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na paggawa, upang kayo’y maging sakdal at ganap, Sant. 1:2–4. Inyong nabalitaan ang pagtitiis ni Job, Sant. 5:11. Sila ay nagpasailalim nang may kagalakan at nang may pagtitiis sa lahat ng kalooban ng Diyos, Mos. 24:15. Tiniis mo ang lahat ng bagay na ito nang may pagtitiyaga dahil sa kasama mo ang Panginoon, Alma 38:4–5. Magpatuloy sa pagtitiyaga hanggang sa ikaw ay maging ganap, D at T 67:13.