Mga Tulong sa Pag-aaral
Kaloob na Espiritu Santo


Kaloob na Espiritu Santo

Karapatan ito ng bawat karapat-dapat na nabinyagang kasapi ng Simbahan na magkaroon ng palagiang panghihikayat ng Espiritu Santo. Kasunod ng pagbibinyag sa isang tao sa totoong Simbahan ni Jesucristo, matatanggap niya ang kaloob na Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay mula sa isa na may karapatang magsagawa nito (Gawa 8:12–25; Moro. 2:1–3; D at T 39:23). Ang pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo ay kadalasang binabanggit bilang isang pagbibinyag ng apoy (Mat. 3:11; D at T 19:31).