“Paglalaan,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)
Buod
Paglalaan
Ang ibig sabihin ng maglaan ng isang bagay ay ialay ito sa isang sagradong layunin. Ang mga miyembro ng Simbahan sa lahat ng panahon ay naglaan na ng mga talento, oras, at kabuhayan upang itatag at itayo ang kaharian ng Diyos sa lupa.
Para sa impormasyon kung paano naisabuhay ng mga tao ng Panginoon ang batas ng paglalaan noon, tingnan ang “Paglalaan at Pangangasiwa.”
Ngayon, ang mga Banal sa mga Huling Araw na tumatanggap ng kanilang endowment sa isang templo ay hinihilingang gumawa ng isang tipan na ilaan ang kanilang mga talento, oras, at kabuhayan sa Diyos. Ginagawa nila ito sa iba’t ibang paraan, kabilang na ang pakikilahok sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan, na kinabibilangan ng paglilingkod sa iba, pagbabahagi ng ebanghelyo, pagbabayad ng ikapu, paglilingkod nang tapat sa mga calling, at pangangalaga sa mga yaong nangangailangan. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ibinibigay nila ang lahat ng kanilang makakaya sa Panginoon.
Ang mga yaong tapat na naglalaan ng kanilang mga talento, panahon, at kabuhayan sa Panginoon ay naglalaan ng kanilang mga sarili sa Kanya sa huli. Itinuro ni Elder Neal A. Maxwell: “Iniisip natin [kung] minsan na ang paglalaan ay pagbibigay [lamang] ng ating materyal na ari-arian, kapag ito ay ipinag-utos ng Diyos. Ngunit ang tunay na paglalaan ay ang pagpapasailalim natin sa Diyos.” Itinuro na ni Pangulong Russell M. Nelson na ginagawa natin ito kapag ang Diyos ang ginagawa nating “pinakamalakas na impluwensya sa ating buhay.”