“Kaligayahan,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)
Buod
Kaligayahan
Nais ng Ama sa Langit na magkaroon tayo ng tunay at walang-hanggang kaligayahan. Ang ating kaligayahan ang layunin ng lahat ng pagpapalang ibinibigay Niya sa atin—mga turo ng ebanghelyo, kautusan, ordenansa ng priesthood, mga ugnayan ng pamilya, propeta, templo, kagandahan ng paglikha, at maging ang pagkakataong makaranas ng paghihirap. Ang Kanyang plano para sa ating kaligtasan ay kadalasang tinatawag na “dakilang plano ng kaligayahan.” Ipinadala Niya ang Kanyang Pinakamamahal na Anak para isagawa ang Pagbabayad-sala upang tayo ay maging maligaya sa buhay na ito at matanggap ang lubos na kagalakan sa kawalang hanggan.
Sa pagpapatotoo sa “mga layuning walang hanggan” ng Diyos, itinuro ni propetang Lehi, “Ang mga tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.” Maraming tao ang nagsisikap na makasumpong ng kaligayahan at kasiyahan sa mga aktibidad na salungat sa mga kautusan ng Panginoon. Kapag binabalewala nila ang plano ng Diyos para sa kanila, tinatanggihan nila ang tanging pinagmumulan ng tunay na kaligayahan. Nagpapailalim sila sa diyablo, na “hinahangad … na ang lahat ng tao ay maging kaaba-abang katulad ng kanyang sarili.” Kalaunan nalaman nila ang katotohanan ng babala ni Alma sa kanyang anak na si Corianton: “Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”
Ang iba ay naghahangad lamang na magsaya sa buhay. Dahil ito ang kanilang pangunahing mithiin, tinutulutan nila ang pansamantalang kasiyahan na ilihis sila mula sa nagtatagal na kaligayahan. Ipinagkakait nila sa kanilang sarili ang mga nagtatagal na kagalakan ng espirituwal na paglago, paglilingkod, at kasipagan.
Sa paghahangad nating lumigaya, dapat nating tandaan na ang tanging paraan upang tunay na lumigaya ay isabuhay ang ebanghelyo. Makasusumpong tayo ng payapa at walang-hanggang kaligayahan habang nagsisikap tayong sumunod sa mga kautusan, manalangin para sa lakas, magsisi sa ating mga kasalanan, makilahok sa mga kasiya-siyang aktibidad, at magbigay ng makabuluhang paglilingkod.
Kaugnay na Content
-
Resources para sa mga Bata