Library
Krus


“Krus,” Mga Paksa at Mga Tanong (2025)

ang Pagpapako sa Krus

Overview

Krus

Ang Pagpapako sa Krus kay Jesucristo ay bahagi ng Kanayang nagbabayad-salang sakripisyo. Ito ay saligang doktrina ng plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit. Sa pamamagitan ng Kanyang pagdurusa sa Getsemani, Pagpapako sa krus, at kasunod na Pagkabuhay na Mag-uli, nadaig ni Cristo ang kasalanan at kamatayan, na siyang nagbibigay sa ating lahat ng pagkakataong makalapit sa Kanya at matanggap ang kaligtasan at kadakilaan.

Ang simbolo ng krus ay ginagamit sa maraming simbahang Kristiyano bilang tapat na pagpapahayag ng pananampalataya kay Jesucristo. Ginugunita nang may pagpipitagan ng mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang pagdurusa ng Tagapagligtas sa Getsemani at sa Kalbaryo. Naniniwala kami na “si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan; at siya’y inilibing; at muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan” (1 Corinto 15:3–4). Ang Biblia, Aklat ni Mormon, Doktrina at mga Tipan, at Mahalagang Perlas ay binibigyang-diin ang nakapagliligtas na kahalagahan ng pagkamatay ni Cristo sa krus.

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay hindi naglalagay ng krus sa mga gusali nito o sa mga simbahan o silid-aralan nito at sa mga katulad na lugar. Gayunman, ang mga turo nito ay nakatuon sa doktrina ng mahimalang Pagbabayad-sala ni Jesucristo na naganap sa Getsemani at sa krus.

pangalan at simbolo ng Simbahan

Tulad ng maraming simbahang Kristiyano, binibigyang-diin ng Simbahan ang buhay, ang nabuhay na mag-uling Cristo. Ito ang dahilan kung bakit ang opisyal na simbolo ng Simbahan ay larawan ng nabuhay na mag-uli at buhay na Cristo, na siyang gumagabay sa Kanyang Simbahan ngayon sa pamamagitan ng paghahayag sa Kanyang propeta. Ang simbolong ito ay nagsisilbing paalala na makaaasa tayo sa maluwalhating pagkabuhay na mag-uli dahil sa pagdurusa, kamatayan, at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo.

Tulad ng ibang mga Kristiyano, ang paraan ng ating pamumuhay ang pangunahing paraan na ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa Tagapagligtas at sa Kanyang gawain.

Kaugnay na mga Paksa

Kaugnay na Nilalaman

Tala

  1. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan sa Jeffrey R. Holland, “Itinaas sa Krus,” Liahona, Nob. 2022, 77–79