“Mga Magulang sa Langit,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)
Buod
Mga Magulang sa Langit
Lahat ng tao ay minamahal na espiritung anak ng mga magulang sa langit. Dahil sa ating banal na mga magulang, bawat isa sa atin ay may banal na potensiyal. Ang banal na pinagmulang ito ang naglalarawan sa ating tunay na identidad.
Sa ating buhay bago tayo isinilang, nalaman natin ang plano ng kaligtasan, na naglalaan ng paraan para magmana ng buhay na walang hanggan, ang buhay ng ating mga magulang sa langit. Ang layunin ng ating buhay, kabilang na ang mortal na buhay, ay ihanda tayo na tanggapin ang maluwalhating kaloob na ito.
Kakaunti ang inihayag tungkol sa ating Ina sa Langit bukod sa kaalaman tungkol sa Kanyang pag-iral. Bagama’t hindi natin Siya sinasamba, iginagalang natin Siya bilang banal na magulang. Sa pagsunod sa halimbawa ng Tagapagligtas, nananalangin lamang tayo sa ating Ama sa Langit. Tumatanggap tayo ng patnubay at tagubilin mula sa Ama sa Langit at sa Kanyang Anak sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Sa buhay na ito, sinisikap nating taglayin ang mga makadiyos na katangiang taglay ng ating mga magulang sa langit. Ang mga katangiang ito ay ipinakita sa buhay ni Jesucristo.
Kaugnay na mga Paksa
-
Ina sa Langit