“Katarungan,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)
Buod
Katarungan
Sa mga salita sa banal na kasulatan, ang katarungan ay ang hindi nagbabagong batas na nagdadala ng mga bunga para sa ginawa. Dahil sa batas ng katarungan, tumatanggap tayo ng mga pagpapala kapag sinusunod natin ang mga kautusan ng Diyos. Hinihingi rin ng batas ng katarungan na pagbayaran ang bawat kasalanang ginagawa natin.
Nang isagawa ng Tagapagligtas ang Kanyang Pagbabayad-sala, inako Niya sa Kanyang sarili ang ating mga kasalanan. Nagawa Niyang “tugunin ang layunin ng batas” dahil ibinigay Niya ang Kanyang sarili bilang kabayaran sa hinihingi ng batas para sa ating mga kasalanan. Sa paggawa nito, Kanyang “[natugunan] ang mga hinihingi ng katarungan” at nagbigay ng awa sa lahat ng nagsisisi at sumusunod sa Kanya. Dahil nagbayad Siya para sa ating mga kasalanan, hindi natin kailangang danasin ang kaparusahang iyon kung tayo ay magsisisi.