Library
Mga Single Adult na Miyembro ng Simbahan


Larawan
babae na nakaupo sa harap ng gusali

Pag-aaral ng Doktrina

Mga Single Adult na Miyembro ng Simbahan

Buod

Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay ibinigay ng Diyos upang pagpalain ang Kanyang mga anak. Bawat tao ay bahagi ng malaking pamilya ng ating mga Magulang sa Langit. Yaong mga sumasapi sa Simbahan ay nagiging bahagi ng isa pang malaking pagsasamahan, isang tunay na pagsasamahan ng magkakapatid na piniling sundin si Jesucristo.

Ang mga single adult na miyembro ng Simbahan—kabilang na ang mga taong hindi nakapag-asawa, nakipagdiborsiyo, o balo—ay naglilingkod at nagsisimba kasama ang iba pang mga miyembro ng kanilang ward at branch. Ipinaliwanag ni Pangulong Gordon B. Hinckley: “Kapag nasabi at nagawa na ang lahat, hindi tayo dapat iklasipika na may-asawa o wala kundi mga miyembro ng Simbahan, na ang bawat isa ay karapat-dapat bigyan ng parehong atensyon, parehong pangangalaga, parehong mga pagkakataong makapaglingkod” (“A Conversation with Single Adults,” Liahona, Nob. 1997, 18).

Lahat ng anak ng Diyos ay mahalaga sa Kanyang plano, at lahat ay may mahalagang ginagampanan sa pagtatayo ng Kanyang kaharian. Bukod pa rito, maaaring hangarin ng lahat ng tao ang lahat ng pagpapala ng Ama sa Langit para sa Kanyang mga anak—pati na ang pagpapala ng walang-hanggang kasal—kahit masaya na sila sa kanilang kasalukuyang kalagayan (tingnan sa Mosias 2:41). Ipinaliwanag ni Elder Robert D. Hales: “Dahil sa Kanyang dakilang pagmamahal sa bawat isa sa atin, nais ng Panginoon na lahat tayo ay maging masaya. Sinabi Niya sa atin sa pamamagitan ng propetang si Lehi, ‘Ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan’ (2 Ne. 2:25). Ang kagalakang ito na pinag-uusapan natin ay sa kasalukuyan. Hindi natin kailangang maghintay ng isa pang araw, ng isa pang taon, hanggang sa mabago ang ating sitwasyon, o hanggang sa tayo ay dumaan sa tabing at magtungo sa ating walang-hanggang kaluwalhatian. Dapat tayong magkaroon ng kagalakan sa kasalukuyan. Kung mahal natin ang ebanghelyo ni Jesucristo, makadarama tayo ng kagalakan” (“Belonging to a Ward Family,” Liahona, Mar. 1999, 14).

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

  • Diborsyo

  • Mga Pamilya na may Solong Magulang

  • Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo

Mga Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Resources sa Pag-aaral

Mga Magasin ng Simbahan

“Naaliw sa Aking Kapighatian,” Liahona, Marso 2004

Resources sa Pagtuturo

Mga Kuwento at Aktibidad para sa Pagtuturo sa mga Bata

“Pagtuturo ng Ebanghelyo sa Tahanan,” Gabay na Aklat ng Mag-anak