“Pagmamahal,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)
Buod
Pagmamahal
Ang pagmamahal ay isang damdaming puno ng matinding malasakit, pag-aalala, at pagkagiliw. Ang pinakadakilang halimbawa ng pagmamahal ng Diyos sa Kanyang mga anak ay matatagpuan sa walang-hanggang Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa-tao ay isang katangian ng disipulo ni Jesucristo.
Natatanto mo ba ang pagmamahal ng Diyos sa iyong buhay?
Naipapakita natin ang ating pagmamahal sa Ama sa Langit kapag sinusunod natin ang Kanyang mga kautusan at pinaglilingkuran ang Kanyang mga anak. Maaaring kabilang sa pagpapakita natin ng pagmamahal sa ating kapwa ang pagiging mabait sa kanila, pakikinig sa kanila, pagdadalamhati kasama nila, pagpapanatag sa kanila, paglilingkod sa kanila, pagdarasal para sa kanila, pagbabahagi ng ebanghelyo sa kanila, at pagiging kaibigan nila. Nadaragdagan ang ating pagmamahal sa mga taong nasa paligid natin kapag naaalala natin na lahat tayo ay mga anak ng Diyos—na tayo ay magkakapatid sa espiritu. Ang pagmamahal na nagiging bunga ng pagkatantong ito ay may kapangyarihang umaabot nang higit pa sa hangganan ng lahat ng bansa, paniniwala, at lahi.
Kaugnay na Content
-
Resources para sa mga bata