Library
Edukasyon


“Edukasyon,” Mga Paksa at Mga Tanong (2023)

nag-aaral sa silid-aklatan

Buod

Edukasyon

Kapag nalaman natin ang katotohanan mula sa mabubuting sources ng lahat ng uri, mas handa tayong gumawa sa mundo at maglingkod sa kaharian ng Diyos. Ipinahayag ng Panginoon, “Ang kaluwalhatian ng Diyos ay katalinuhan, o, sa ibang salita, liwanag at katotohanan.” Lahat ng katotohanan ay nagmumula sa Ama sa Langit at nilayon para sa ikabubuti ng Kanyang mga anak. Nais ng Diyos na turuan natin ang ating isipan, pagbutihin ang ating skills, at gawing perpekto ang ating mga kakayahan upang maging mas mabuting impluwensya tayo sa mundo, makapaglaan para sa ating sarili, sa ating pamilya, at sa mga nangangailangan, at maitayo ang kaharian ng Diyos.

Lahat ng katotohanan, espirituwal o sekular man, ay kasama sa plano ng Diyos para sa ating kaligtasan at kaligayahan. Itinuro ni Propetang Joseph Smith, “Anumang alituntunin ng katalinuhan ang ating matamo sa buhay na ito, ito ay kasama nating babangon sa pagkabuhay na mag-uli. At kung ang isang tao ay nagkamit ng maraming kaalaman at katalinuhan sa buhay na ito … siya ay magkakaroon ng labis na kalamangan sa daigdig na darating.”

Ang Panginoon ay nagbigay sa bawat isa sa atin ng mga kaloob at hinihikayat tayo na pagbutihin ang mga ito at hangarin ang iba pang mga kaloob. Itinagubilin din Niya sa atin na “maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya.” Hinihikayat ng mga lider ng Simbahan ang mga miyembro na pagbutihin ang pagbasa at pagsulat, pag-aaral, at mga skill.

Ang mga propeta ng Diyos sa makabagong panahong ito ay hinikayat ang kalalakihan at kababaihan na mag-aral hangga’t kaya nila. Sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley sa mga kabataang lalaki na “magsikap na makapag-aral. Kunin ang lahat ng training na kaya ninyo.” Hinikayat ni Pangulong Thomas S. Monson ang mga kabataang babae ng Simbahan na “ipagpatuloy ang inyong pag-aaral—kung hindi pa ninyo ito ginagawa o hindi pa nagawa.”

Mga Kaugnay na Paksa

Kaugnay na Content