Library
Milenyo


“Milenyo,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)

si Jesus na bumababa mula sa langit

Buod

Milenyo

Ang isang milenyo ay 1,000 taon. Kapag pinag-uusapan natin “ang Milenyo,” tinutukoy natin ang 1,000 taon na kasunod ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Sa panahon ng Milenyo, “maghahari si Cristo sa mundo.”

Ang Milenyo ay panahon ng kabutihan at kapayapaan sa mundo. Inihayag ng Panginoon na “sa araw na yaon ang pag-aalitan ng tao, at ang pag-aalitan ng mga hayop, oo, ang pag-aalitan ng lahat ng laman, ay matitigil.” At si Satanas ay “igagapos, upang siya ay mawalan ng puwang sa mga puso ng mga anak ng tao.”

Sa panahon ng Milenyo, lahat ng tao sa mundo ay magiging mabuti at makatarungan, ngunit marami ang hindi pa nakatatanggap ng kabuuan ng ebanghelyo. Dahil dito, makikibahagi ang mga miyembro ng Simbahan sa gawaing misyonero.

Makikibahagi rin ang mga miyembro ng Simbahan sa gawain sa templo sa panahon ng Milenyo. Ang mga Banal ay patuloy na magtatayo ng mga templo at tatanggap ng mga ordenansa para sa kanilang mga yumaong kamag-anak. Sa patnubay ng paghahayag, ihahanda nila ang mga rekord ng kanilang mga ninuno magmula sa panahon nina Adan at Eva.

Magpapatuloy ang lubos na kabutihan at kapayapaan hanggang sa magwakas ang 1,000 taon, kung saan si Satanas “ay kakalagan ng maikling panahon, upang kanyang makalap ang kanyang mga hukbo.” Makikipaglaban ang mga hukbo ni Satanas sa mga hukbo ng langit, na pamumunuan ni Miguel, o Adan. Si Satanas at ang kanyang mga alagad ay matatalo at itatapon magpakailanman.

Kaugnay na Content