Library
Mountain Meadows Massacre


“Mountain Meadows Massacre,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)

Lugar na pinangyarihan ng Mountain Meadows Massacre

Buod

Mountain Meadows Massacre

“Noong Setyembre 11, 1857, mga 50 hanggang 60 miyembro ng lokal na militia sa katimugang Utah, kasama ang ilang American Indian, ang walang-awang pumatay sa humigit-kumulang 120 mga mandarayuhang sakay ng mga bagon na papunta sa California. Ang kakila-kilabot na pangyayaring ito, na tanging 17 batang edad anim pababa ang pinaligtas, ay naganap sa lambak na tinatawag na Mountain Meadows, mga 35 milya sa timog-kanluran ng Cedar City. Ang mga biktima, karamihan sa kanila ay mula sa Arkansas, ay papunta sa California na may mga pangarap ng isang magandang hinaharap.”

“Ang ginawa rito ng mga miyembro ng ating Simbahan maraming taon na ang nakararaan ay nagpapakita ng kasuklam-suklam at di-makatwirang paglihis sa itinuturo at pag-uugali ng isang Kristiyano. Hindi na natin mababago ang naganap, pero maaari nating alalahanin at kilalanin ang mga taong pinatay dito.

“Lubos ang ating dalamhati sa walang-awang pagpatay na ginawa sa lambak na ito 150 taon na ang nakararaan at sa labis-labis at di-mailarawang pagdurusang naranasan ng mga biktima noon at ng kanilang mga kaanak ngayon.

“Ang hiwalay na pagpapahayag ng panghihinayang ay utang sa mga Paiute na walang katarungan na nagdala sa napakatagal na pangunahing sisi sa nangyari sa panahon ng masaker. Bagama’t pinagtatalunan ang lawak ng kanilang pagkasangkot, pinaniniwalaang hindi sila makikibahagi kung wala ang tagubilin at sigla na ibinigay ng mga lider at miyembro ng Simbahan sa lugar.”

Mga Tala

  1. Richard E. Turley Jr., “The Mountain Meadows Massacre,” Ensign, Set. 2007.

  2. Henry B. Eyring, sa Greg Hill, “Expressing Regret for 1857 Massacre,” Church News, Set. 15, 2007.