Library
Doktrina at mga Tipan


“Doktrina at mga Tipan,” Mga Paksa at Mga Tanong (2023)

mga papel sa ibabaw ng mesa

Buod

Doktrina at mga Tipan

Ang Doktrina at mga Tipan ay isang aklat ng banal na kasulatan na naglalaman ng mga paghahayag ng Panginoon kay Propetang Joseph Smith at sa ilang iba pang mga propeta sa mga huling araw. Kakaiba ang banal na kasulatang ito dahil hindi ito pagsasalin ng mga sinaunang dokumento.

Ang Doktrina at mga Tipan ay isa sa apat na aklat ng banal na kasulatan na ginagamit sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (ang tatlo pa ay ang Biblia, ang Aklat ni Mormon, at ang Mahalagang Perlas).

Sinabi ng Panginoon kay Propetang Joseph Smith, “Ang salinlahing ito ay tatanggap ng aking salita sa pamamagitan mo.” Sa Doktrina at mga Tipan natututuhan natin ang mga doktrina hinggil sa kawalang-hanggan ng mga pamilya, ang mga antas ng kaluwalhatian na naghihintay sa kalalakihan at kababaihan pagkatapos ng buhay na ito, at ang pagtatatag ng Simbahan ni Cristo sa mundo ngayon. Mababasa rin natin ang tungkol sa mga tipan na ginawa ng Diyos sa mga taong handang sumunod sa Kanyang mga kautusan.

Hinggil sa Doktrina at mga Tipan, sinabi ng Panginoon:

“Saliksikin ang mga kautusang ito, sapagkat ang mga ito ay tunay at tapat, at ang mga propesiya at pangako na nasa mga ito ay matutupad na lahat.

“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko, at hindi ko binibigyang-katwiran ang aking sarili; at bagaman ang kalangitan at ang lupa ay lilipas, ang aking salita ay hindi lilipas, kundi matutupad na lahat, maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa.”

Sinabi ni Propetang Joseph Smith na ang Doktrina at mga Tipan “ang saligan ng Simbahan sa mga huling araw na ito, at isang kapakinabangan sa sanlibutan, ipinakikita na ang mga susi ng mga hiwaga ng kaharian ng ating Tagapagligtas ay muling ipinagkatiwala sa tao.”

Mga Kaugnay na Paksa

Kaugnay na Content